Chapter Text
Mahangin, malamig, pero tama lang ang pagka-presko. Yakap na ni Wonwoo ang sarili niya gamit ang isa niyang braso habang nakasandal sa pader na markado na ng iba't ibang graffiti, ang isa doon ay pinturado na ng berde, nakasulat gamit ang malalaking letra: SMOKING AREA.
Tinaktak niya muna ang yosi na namamahinga sa pagitan ng mga daliri niya bago nilagay ito pabalik sa labi niya at humiphip. Salamat naman at medyo umiinit na rin ang pakiramdam niya dahil dito.
"Hi."
Napalingon si Wonwoo sa nagsalita, tinignan ito mula paa hanggang ulo.
One thing about Wonwoo is hindi siya ang tipo na nakikipag-usap sa mga strangers. But at that moment, having a temporary company doesn't seem like a bad idea at all.
"Hi," sagot ni Wonwoo, may maliit na ngiti sa labi.
Tinanguan siya ng lalaki. "Ngayon ka lang dito?"
"Oo," sagot ni Wonwoo na mabilis niya rin pinagsisihan dahil masyado naman yata siyang honest. Napansin 'to ng kausap niya kaya napangiti ito.
"Lagi kasi ako dito, pero ngayon lang kita nakita," the man stated to which Wonwoo just nodded at. "But to be fair, wala naman talagang nagpupunta dito. Kaya gulat din ako na may ibang tao dito sa self-proclaimed space ko."
Bumuga si Wonwoo bago nagsalita, nakatingin lang ng diretso sa mga rumaragasang sasakyan. "Wow, sorry ha." Natawa lang ang kausap niya at umiling. Napangiti na lang din si Wonwoo bago tinuloy ang sasabihin niya. "Dito kasi ako unang beses nagyosi."
The guy tilted his head, medyo hindi na-pick up ang nais iparating ni Wonwoo.
Gets naman ni Wonwoo dahil of course, hindi naman agad makukuha ng isang random na tao ang context no'n unless manghuhula sa Quiapo ang kausap niya but by his looks, eto yung lalaking halata mong tambay lang talaga, mahilig siguro sa beer at constant smoker, dagdag pa na may pagka-Kiyo listener vibes. Magtira ka naman, 'ya.
"Eto na ang huling beses na magyoyosi ako," Wonwoo explained casually, na para bang hindi ito big event sa buhay niya.
He's been smoking for about 2 years now. Una, subok lang. But then, wala naman yatang subok-subok sa pagyoyosi. So he picked this habit of smoking, starting from only doing it weekly until it became a daily thing. Then wala na, hindi na niya maalis sa sistema niya.
Kaso dahil malapit na siya sa working phase, medyo naconscious na siya sa health niya. Kaya gusto na rin niyang itigil sana 'tong kaadikan niya sa yosi. His sentimental self, however, took over for his last smoke. So here he is, standing in this old abandoned building with a heavily drawn smoking area.
"Wow," saad ng kausap niya, pero parang hindi naman siya ganu'n kabilib base sa tono niya. "Congrats siguro?"
"Thanks," tipid na sagot ni Wonwoo dahil hindi niya alam ang dapat sabihin. Baka makaoffend pa siya kasi who knows? Baka smoking is this man's coping mechanism tapos siya ito, binabalandra na mag-ttry na siya tumigil.
Bumuga ang kausap niya at tinaktak ang yosi niya. "Could never be me.” Tinignan niya si Wonwoo pero diretso pa lang din ang tingin niya sa daan.
After that, the silence took over the environment. It wasn’t necessarily awkward, with the honk noises from the vehicles, the small sounds coming from this other smoker’s shoes as he taps his feet while smoking, and probably some handful of insects buzzing around.
Wonwoo is a timid person, but he’s not naive. Nakikita niya sa peripheral vision niya kung gaano katindi tumitig ang kausap niya at kung paano walang hiya ito sa ginagawa niya. Hindi man lang natitinag kahit na noong binalik niya ang titig nito pabalik.
Tinaasan siya ng kilay ni Wonwoo. “Ano?”
“Wala naman,” sagot nito, hindi pa rin pinuputol ang titig.
“Sabihin mo na, baka hindi mo na ako makita pa ulit,” biro ni Wonwoo, pero it came out kind of foul, so he partly took it back. “Baka ‘di na ako bumalik dito, e.”
Ngumisi ang kasama niya. “Balik ka, please?”
“Quit na nga ako.”
Umayos ng tayo ang kasama niya. Medyo naintimidate si Wonwoo dahil may aura lang talaga ang kasama niya na parang laging hawak ka niya lagi sa palad niya, although so far he hasn’t done anything vile yet to him, so he settled in.
“Eto number ko,” saad ng lalaki sabay pakita ng number niya na nakalantad sa screen ng phone niya.
Wonwoo grunted, a hint of annoyance laced in it. Ang kulit lang talaga nito, ha. “‘Di na nga ako babalik.”
Umirap ang lalaki. “Sino ba kasing nagsabing magyoyosi ka?” He then smirked again, parang default expression na niya. “Unless you want to, who am I para pigilan ka?”
Nilabas ni Wonwoo ang phone niya at tinype ang numero na pinakita sa kanya. Pinakita niya rin ang number niya sa lalaki para masave naman nito ang kanya. Hindi naman siya napilitan, but at the same time, wala rin siyang choice. Mukhang hindi naman titigil itong si kuya, so sige, pagbigyan na.
“Paano ko masisigurado na wala kang balak sa’kin na masama?” seryosong tanong ni Wonwoo pero akala yata ng kasama niya ay joke lang ‘yun dahil tumawa lang siya. “Seryoso kasi,” dugtong ni Wonwoo.
“Tataya ko lahat ng yosi sa mundo.”
“Not convincing.”
The other guy let out a thinking noise. “Okay, kita na lang muna tayo sa 7/11 para maraming tao, wala akong takas no’n. Tapos yosi break na?”
“Break?” nagtatakang tanong ni Wonwoo.
“Ah, ‘di ko pa pala nakwento.” Natawa siya ng mahina. “Nagttrabaho lang ako diyan sa malapit.”
Tumango na lang si Wonwoo, wala na talagang masagot. Hindi pa nag-ssink in sa kanya lahat ng nangyayari as of the moment. Kasi naman, he’s just supposed to take his last whiff of smoke, pero ano ‘to? Bakit may continuation pa yata? At bakit may nakilala pa siyang biglang ganito?
“So, okay lang ba sa’yo? Baka ayaw mo naman pala,” tanong ng kasama niya. Medyo sincere naman ang delivery, pero hindi niya alam bakit tila nanggagago pa rin.
“Oo na nga.”
Ngumiti ito sa kanya, ‘yung malaking ngiti. ‘Yung ‘di mukhang may masamang balak. Very masaya lang. Nakampante naman tuloy bigla si Wonwoo. Okay, fine. What could go wrong, right? Sasamahan niya lang naman mag-yosi break ‘to.
Sabay silang naglakad at tumawid sa kalsada bago naghiwalay. May small talks naman na palitan, parang preparation na rin kasi Wonwoo could feel malalim-lalim ang mapag-uusapan nila niyan sa mga susunod na gabi. But at least now he knows random things about this guy, tulad ng sobrang lala pala magyosi ng isang ‘to dahil nakaka-isang box siya sa 2 araw, graveyard shift din ang work niya, at higit sa lahat…
“Jeonghan, ‘yon na lang itawag mo sa’kin,” pakilala ng kasama niya sa sarili niya.
Hindi alam ni Wonwoo kung inaantok lang siya pero sa ilalim ng ilaw ng poste, parang hindi pagod at puyat ang dating nitong si Jeonghan. Ewan, ang ganda at pogi pa rin tignan. Unfair.
“Wonwoo,” maikling pakilala niya sa sarili niya, gets naman na siguro ni Jeonghan ‘yan.
Tumango si Jeonghan at ngumiti. “Good night, Wonwoo. Salamat sa ngayon. See you soon?”
“Yeah, good luck sa work,” sagot nito at saka kumaway sa kanya dahil nagsimula na siyang maglakad papalayo.
Bumuntong-hininga si Wonwoo at nagsimulang maglakad na rin palayo. This was just a crazy night for him. Parang hulog ng demonyo etong Jeonghan na ‘to. Alam naman niyang hindi siya pinipilit nito, pero of course, hindi naman basta lang mawawala ang habit niya overnight. So how can he stop it when he will be surrounded with a chronic smoker na enticing bumuga?
Yosi quit na sana e, mukhang magiging yosi break pa lang. Jusko, wag naman sana.
Napatigil sa paglalakad si Wonwoo nang maramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya sa bulsa niya. Kinuha niya ito at binasa ang text na nareceive niya. Ah, galing kay Jeonghan. Ano na naman ba ‘to?
+639657839102
hi
nahihiya ako sabihin kanina pero haha ang cute mo
see you sa next yosi break :D
Kaya naman pala humihirit pa na kitain siya ulit, e.
Kailan ba ang susunod na yosi break na ‘yan?