Chapter Text
What is love?
Paulit-ulit ang katanungan sa isip ni Kyungsoo habang naliligo, na mistulang ang tubig mula sa kanyang shower ay dinidiligan ang kanyang utak para makabuo at magbunga ito ng matinong sagot. Tapos nang maligo si Kyungsoo - nakapag-shampoo na siya ng kanyang buhok at malinis na ang buong katawan - ngunit pinili niyang ‘wag munang lumabas ng banyo para makapag-isip-isip.
Five minutes pa…
Inalala ni Kyungsoo ang discussion nila kahapon sa elective niyang Marriage and Family. Hindi rin alam ni Kyungsoo kung bakit ‘yun ang napili niya sa list habang nage-encode ng mga subjects noong enrollment. Ang mahalaga sa kanya ay mapuno ang kanyang units sa major courses, at piliin ang mga madadaling electives. Madali nga naman ang nasabing subject, ‘yung hindi pa-major kumbaga, not until tanungin siya mismo ng kanilang professor kahapon na tila ba’y napakasimple rin naman ng nire-require na sagot.
Nang maramdaman ni Kyungsoo ang mga mapanuring mata ng kanyang mga kaklase, idagdag mo pa ang mapang-asar na tingin ng kanyang guro, hindi siya kaagad nakapag-formulate ng isang intelihenteng sagot.
“Uhmmm… Love is…”
“ Have you ever been in love, Mr. Do?”, tanong ng kanyang professor, na sa tingin ni Kyungsoo ay nangpa-power trip lamang noong araw na iyon.
Tumango lamang si Kyungsoo. Buti na lamang at to the rescue ang kaibigan niyang si Baekhyun na nagbigay ng by-the-book na definition ng love, at nagtuluy-tuloy na ang discussion about the topic. Marami namang napakinggang ideas si Kyungsoo regarding love and all its aspects. May narinig siyang philosophical, biblical, and scientific explanations on why people fall in love, at iba pang personal stories from his classmates and surprisingly, his professor as well.
‘Di lang talaga mawari ni Kyungsoo kung bakit wala siyang ready-to-serve na definition ng love, eh kung tutuusin at kung sa pahabaan ng panahong iginugol ng isang tao para sa pag-ibig lamang ang basehan, ay pwede siyang maging top contender.
Naputol ang kanyang train of thoughts nang makarinig ng malalakas na katok sa pintuan ng banyo. “Hoy! Kyungsoo Do! Late na ako sa klase ko! Pakibilisan naman!”
Agad-agad namang tinigil ni Kyungsoo ang pagmumuni-muni at nagbihis. Nagtataka siguro ang kanyang roommate dahil hindi naman nakaugalian ni Kyungsoo ang magbabad habang naliligo. Binuksan ni Kyungsoo ang pintuan at agad na bumungad sa kanyang harapan ang nakahubad na katawan ng isang morenong lalaki, na tanging tuwalya lamang ang saplot sa mga bahagi ng katawan na dapat ay tinatakpan.
“Ano ba ‘yan, Kai? Ang aga-aga nagpapaka-pornstar ka dyan. Tumabi ka nga,” biro ni Kyungsoo, na agad namang umiwas ng tingin sa mga bahagi ng katawan ng kausap na ‘di niya dapat tinitignan.
Ginulo naman agad ng kanyang kausap ang basang buhok ni Kyungsoo. “What? Ako pa nga daw ang pornstar…”
Kahit basa pa ang katawan ng kausap ay pinatong ni Kai ang kamay niya sa balikat ni Kyungsoo. Nilapit ni Kai ang kanyang mukha sa tainga ng kaibigan at mapang-alaskang bumulong, “... nag-jakol ka, ano?”
Malakas na hampas sa braso naman ang inabot ni Kai sa kausap. “Gago! Igagaya mo pa ako sa’yo.”
Tinulak na lamang ni Kyungsoo papasok si Kai sa banyo at isinara ang pintuan, “Maligo ka na! At anong late? Eh wala ka namang klase ngayong umaga. Mamayang 2PM pa start ng classes mo. ‘Di mo ko maloloko, memorized ko schedule mo dahil ako ang nag-encode niyan!”
“Okay, you caught me. May pupuntahan lang ako. Nothing important,” panimula ni Kai. “Hoy wala kang iniwang bakas dito, ha! I don't wanna step on your babies!”
“Ang kulit mo! Bahala ka nga dyan!” Nakampante na ang loob ni Kyungsoo na di na siya aasarin ni Kai nang marinig ang pagbukas ng shower sa loob ng banyo. Napangiti na lamang siya nang marinig si Kai na kumakanta ng theme song ng Ang Probinsyano kahit na sintunado.
Routine na nila ito tuwing umaga, naiba lang ngayon dahil ‘di sila pareho ng schedule ni Kai for the first half of the day. On normal days, mas maagang gumigising si Kyungsoo, at ginigising niya rin ang kanyang roommate na nakahiga sa kabilang kama na tulog-mantika at ‘di naririndi sa malakas na alarm ng phone niya. Magluluto muna ng almusal si Kyungsoo bago maligo. Handa na siya para sa kanyang araw, ngunit magsisimula palang ang araw ni Kai.
Naghahain na si Kyungsoo ng niluto niyang tapsilog nang tawagin siya ni Kai mula sa banyo. “Soo, paabot naman ng boxers sa may cabinet ko. Nakalimutan ko pala,” na sinundan naman ng mahinang tawa.
‘Di naman na nagreklamo si Kyungsoo dahil sa tatlong taon nilang magkasama sa dorm na ito, ay natural na para kay Kai ang pagiging makakalimutin. ‘Di na rin nakapagtataka na alam ni Kyungsoo kung saan hahanapin ang mga gamit ng kaibigan. “Oh,” sabay abot ni Kyungsoo ng boxers sa maliit na puwang ng pintuan, “Wala ka na po bang nakakalimutan, Señorito Kai?”
“Wala na po, Señorito Kyungsoo! Salamat!” Sinara na ni Kai ang pintuan ng banyo at nagpatuloy na si Kyungsoo sa paghahanda ng breakfast nila.
Lumabas na si Kai ng banyo na tuwalya lamang ulit ang suot, at automatically ay umiwas ng tingin si Kyungsoo. He kept himself busy by making coffee for the two of them, and ignored a walking distraction in the form of a half-naked man. Mukha namang effective ang pag-iwas niya sa kasalanan when he found himself smiling habang nagbabago ang kulay ng magic - thermochromic ang scientific term - mugs nila ni Kai. His black mug turned white, while Kai’s white mug turned black, upon pouring hot water, with both mugs revealing a capital letter K printed on the surface as it changed colors.
Parang kami lang. Two persons with absolutely different personalities pero magkasundo sa lahat ng bagay. An almost perfect combination.
Almost.
Kyungsoo came back to his senses nang biglang umupo si Kai sa kanyang harapan, this time fully clothed, with his signature plain black shirt and faded blue jeans on. Napangiti ito nang makita ang inihandang almusal ng kaibigan. “Uy favorite ko ‘to, ah!”
“Ikaw pa ba? Ang lakas mo kaya sa’kin,” tila walang gana namang sagot ni Kyungsoo.
Kukuha na sana si Kai ng ulam using his bare hands nang hampasin siya ni Kyungsoo. Napailing at natawa nalang si Kai nang abutan siya ng serving spoon ng kanyang roommate at naalala niya kung gaano ito kastrikto pagdating sa kalinisan.
Walang anu-ano ay tumayo si Kai at nagtungo sa kanilang refrigerator. Kumuha siya ng dalawang kalamansi at dalawang siling pula. Naghanda rin siya ng isang maliit na bowl na nilagyan niya ng toyo, isang kutsara ng asukal, at ang kukumpleto sa paboritong sawsawan ni Kyungsoo - banana ketchup!
“Oh baka sabihin mo namang inaalila kita dito sa dorm. Ayan na yung weird mong sawsawan,” pang-aasar naman ni Kai.
Napangiti naman si Kyungsoo, “Weird pala eh memorized mo na yata kung paano ko ‘to ginagawa.” Tinikman ni Kyungsoo ang ginawang sawsawan ni Kai at binigyan niya ito ng dalawang thumbs up.
“Syempre! Alam ko lahat ng tungkol sa’yo. Three years na kitang roommate slash chambermaid slash tutor slash best friend. Lifetime contract na ‘yan ha, wala nang bawian!” parang batang sinabi ni Kai bago siya magsimulang kumain ng almusal na hinanda ni Kyungsoo para sa kanya.
Natawa naman si Kyungsoo sa pagka-proud ng kaibigan sa mga sinabing salita, “Buti naman at ina-acknowledge mong di ka mabubuhay nang wala ako. Tara kumain na tayo, baka ako naman ang ma-late sa klase ko.”
Habang nakikipagkwentuhan at kumakain ng almusal, tila ba ay lumilipad ang isip ni Kyungsoo. Hindi naman pala ang tubig sa shower ang magbibigay sa kanya ng sagot, kundi ang mga ngiting ito, ang mga nakakatawang hirit at mga nakakaaliw na kwentong ganito, mula sa kanyang matalik na kaibigan.
Hindi mo alam lahat ng tungkol sa akin, Kai.
I have one big silly secret that I've been hiding from you for the longest time.
Wala akong balak sabihin, at wala kang dapat malaman, pero tatlong taon na kitang mahal ng higit pa sa isang kaibigan.
Kakatapos lang ng klase ni Kyungsoo at naglakad na siya papunta sa café kung saan makikipagkita siya sa mga kabarkada niyang sina Baekhyun at Sehun. Ngayong third year college students na sila ay sa mga electives at ilang minor subjects nalang sila nagkakaiba ng schedule. Most of the time ay kasama nilang tatlo si Kai dahil magkakapareho sila ng kinukuhang major subjects. Buti nalang at kahit na siya lamang ang mukhang seryoso sa pag-aaral, ay hindi delayed ang kanyang mga kaibigan. Isang taon na lang at matatapos na siya sa kolehiyo, one step closer to his childhood dream of being a successful film director.
“Bujoooooy!!!”, nakakadalawang hakbang pa lamang papasok ng café si Kyungsoo nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kaibigang si Baekhyun.
Nag-init ang mga tainga ni Kyungsoo at sa tingin niya’y namula ang kanyang mukha sa kahihiyan dahil nagtinginan sa direksyon niya ang mga tao sa loob ng maliit na café.
Hindi po Bujoy ang pangalan ko. Wag niyo akong tignan!
Agad-agad na naglakad patungo sa usual table nila si Kyungsoo, cautious of his steps para hindi na siya pagtinginan ng iba pang customers sa loob ng café. Bago umupo sa usual spot niya ay mahinang hinampas ni Kyungsoo si Baekhyun sa ulo gamit ang dala niyang sketchpad, “Ilang beses ba kitang dapat paalalahanan? Don't call me that stupid name, especially in public.”
Ngumisi lang si Baekhyun kahit na pinagalitan siya ng seryosong kaibigan, “Ang cute kaya! Bagay sa’yo ‘yung Bujoy. You should embrace the character. Give respect to the Queen of Chuva Choo Choo!”
“Oh bakit ‘di mo kasama ‘yung Ned mo?”, sumali na rin si Sehun sa asaran. Si Kyungsoo kasi ‘yung tipo ng kaibigan na madaling pikunin, pero wala namang ganti, kaya naging habit na ng dalawa na asarin siya. As if hindi pa sapat ang kakulitan ni Baekhyun, but adding Sehun's lame jokes to the scenario usually gives Kyungsoo some headache.
Umupo na si Kyungsoo sa harap ng mga kaibigan, kinuha ang laptop sa kanyang bag at binuksan ito. “Isa ka pa. Stop calling me Bujoy. Stop calling Kai, Ned. This isn’t a Pinoy classic 90’s romantic film.”
“Hulaan ko. Pinagluto mo siya ng almusal kanina?”, pang-uusisa ni Baekhyun.
“Ito naman ang hula ko. Tinulungan mo rin siyang gawin ‘yung project natin sa Graphic Design kagabi?”, dagdag naman ni Sehun.
“Yes and yes. Eh, ano namang masama doon? That's what friends are for, right?” depensa naman ni Kyungsoo sa pang-aalaska ng mga kaibigan. ‘Di na rin naman niya sinubukang magsinungaling, dahil sa loob ng tatlong taon, ay saksi sina Baekhyun at Sehun sa lahat ng kahibangan niya kay Kai, kahit na wala siyang inaamin - at balak aminin - sa mga ito. May common sense din naman ang mga kaibigan niyang palabiro. It's all fun and games when it comes to how Kyungsoo treats Kai as a friend , but Baekhyun and Sehun know where to draw the line, and that's another thing that Kyungsoo's grateful for.
“Sige nga gawin mo rin ‘yung templates ko sa photography.”
“Ako naman patulong sa pag-gawa ng report sa Film Theory!”
Sakto namang natapos na ang start-up ng laptop ni Kyungsoo kaya sinimulan na niya ang mga papers na kailangan niyang tapusin. Nagkatinginan na lamang sina Baekhyun at Sehun na iniwan sa ere ng kanilang kaibigan.
Sabay nalang silang napabuntung-hininga at nasabing, “Sabi ko nga, hindi ako si Ned,” na sinundan ng pigil na mga halakhak.
After a few moments, dumating na si Ned - si Kai - sa cafe at agad na naglakad patungo sa table kung nasaan ang barkada niya. Matapos niyang batiin ang mga kaibigan ay umupo siya sa arm rest ng upuan ni Kyungsoo. “Soo, okay na ba?”
“Okay na. Basahin mo naman, ha. Para ‘di masayang ang pag-print ko. Saan ka ba galing?” inabot naman ni Kyungsoo ang handouts na nakasingit sa sketchpad niya kay Kai. Nagkatinginan na naman sina Baekhyun at Sehun, handang asarin muli si Kyungsoo at any moment.
Pinisil ni Kai ang ilong ni Kyungsoo at nagpasalamat, “The best ka talaga! Alis na ako ulit, kitakits nalang mamaya!”
“Saan na naman ang punta mo, bro?” tanong ni Sehun.
“Hinihintay na ako ni Jennie sa labas. Dinaanan ko lang talaga ‘yung handouts from Kyungsoo,” nagmamadali niyang paliwanag kay Sehun. Tinignan niya muli si Kyungsoo, “Thanks ulit! Bawi ako, promise!”
Kahit wag na…
Aasarin sana muli nina Baekhyun at Sehun si Kyungsoo, pero dali-dali nitong sinundan si Kai palabas ng café. “Wait! May…” napatigil sa pagtakbo si Kyungsoo nang makita si Jennie na nakangiti sa kanya.
“... naiwan kang handouts.”
“Hi, Kyungsoo! Hiramin ko muna ulit yung best friend mo, ha,” nakangiti rin ang mga mata ni Jennie nang batiin siya nito. Kyungsoo noticed how her hands clung onto Kai’s arm, as if she can't stand on her own, or worse as if reminding Kyungsoo what's rightfully hers.
Napakamot naman ng ulo si Kyungsoo. “No, take your time. You're his girlfriend , after all.” Sinigurado ni Kyungsoo na ngumiti siya pabalik sa kausap, kahit na hindi naman siya natutuwa sa nakikita niya. But he had no choice, Jennie has always been making it all clear whenever she gets the chance. ‘Di sure si Kyungsoo if she's doing it on purpose, or may something lang na “off” about her para sa kanya, at syempre hindi niya sinasabi ang observations niyang ito kahit kanino lalung-lalo na kay Kai.
“Uy, thanks!” kinuha naman ni Kai ang ihinabol na handouts ng kanyang best friend.
Napansin ni Kyungsoo ang bagong motor kung saan nakasandal si Jennie. “May bago kang motor, Kai?”
Proud na ipinakita naman ni Kai ang bago niyang ride kay Kyungsoo, “Soo, meet Thirdy!”
“Thirdy? You call your new motorcycle, Thirdy?” pang-aasar naman ni Kyungsoo.
“Short for FPJ the Third!” Kai has always been a fan of Da King, and of Pinoy action movies especially of that era, no matter how predictable, formulated, and campy the films may be in Kyungsoo’s opinion.
Natawa naman si Kyungsoo sa pagka-gullible ni Kai, a rare side of him na natatago sa usually cool and confident self niya. It’s usually just the things he really likes or he’s passionate about that showcase this sight of his best friend, and Kyungsoo's lucky to always witness that. Kai may be the heartthrob that he is whenever he's outside, pero sa loob ng dorm nila, he can be his very self whenever Kyungsoo's the only one around.
“Fernando Poe, Junior. Tapos the Third pa? Hindi ba overlapping na ‘yun?”, natatawang biro ni Kyungsoo.
Napaisip naman si Kai, “Hayaan mo na! Basta you get my point. This is Thirdy.”
“So ‘di na tayo male-late sa mga classes natin? I'm sure mabilis si Thirdy,” sabi ni Kyungsoo.
Umiling naman si Kai. “Hindi pwede,” lumingon siya kay Jennie na naghihintay sa kanya, “...syempre exclusive lang si Thirdy sa amin ng girlfriend ko.”
...ng girlfriend ko…
Parang sampal sa mukha ni Kyungsoo ang mga sinabi ni Kai na ‘di niya namalayan na nawala na ang pilit na ngiti nya sa labi, pero wala naman siyang magawa dahil wala nga naman siyang karapatan. If Kai wants his new motorcycle to be exclusive for his girl, malinaw naman kay Kyungsoo na never siyang makakasakay kay Thirdy, na never siyang makikita ni Kai on a different light.
Bago bumalik kay Jennie ay lumapit si Kai at bumulong kay Kyungsoo, “Syempre pati mga other babes on the side, pwedeng sumakay… kay Thirdy,” bago tuluyang nagpaalam sa kaibigan.
Naiwan si Kyungsoo habang tinatanaw sina Kai at Jennie na nakasakay kay Thirdy papalayo. Gustuhin mang mapikon ni Kyungsoo - kasi kung ‘yung “other babes on the side” pwedeng sumakay kay Thirdy, tapos siyang best friend ay bawal - pinili niya nalang intindihin si Kai. He knows where he stands sa buhay ng tanging taong mahal niya, and Kyungsoo’s too afraid to risk losing that.
Bumalik si Kyungsoo sa loob ng café, trying to hide his gloomy look dahil sigurado siyang aasarin siya nina Baekhyun at Sehun.
“Hulaan ko ulit. Ned chose Mary Ann over Bujoy? Again?” panimula ni Baekhyun. Kyungsoo knows his friends so well.
“Correction. Mary Ann number fifteen.” dagdag naman ni Sehun.
Napakamot sa ulo niya si Baekhyun, “Hindi ba Mary Ann number fifteen si Tzuyu, tapos Mary Ann number sixteen na si Jennie? ”
“Oh yeah, I remember,” Sehun said while eating his sandwich, “Nagsawa nga pala si Kai sa mahinhin, rich girl, too-good-to-be-true type like Tzuyu last month kasi wala daw thrill, kaya he went after the feisty, sexy, and exciting Jennie for more action.”
Totoo naman ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya tungkol kay Kai, na parang nagpapalit lang siya ng underwear kung makipagbreak sa mga nagiging jowa niya. Si Kai yung tipo ng tao na madaling magsawa, kaya kahit na kaibigan lang ang tingin niya kay Kyungsoo, ay ayos na rin para hindi siya mapalitan sa buhay ng kaibigan.
“Hindi ba backstabbing na ‘yang ginagawa niyo kay Kai. And who's even counting? We know he's been a player ever since freshies palang tayo, and people ironically seem to glorify him for that,” pagdepensa naman ni Kyungsoo.
Umiling ang dalawang kausap niya, at sabi ni Baekhyun, “That's the point. Aware naman siya sa mga pinag-gagagawa niya.”
“Not until makahanap siya ng katapat niya. ‘Di ba, Kyungsoo?” Sehun said as he gave a suggestive look.
Alam na ni Kyungsoo kung saan patungo ang usapang ito, kaya bago pa siya asarin ng mga kaibigan at kulitin na kausapin si Kai to give him some sense regarding his fast-paced love life, ay nag-isip na si Kyungsoo ng isang lame na excuse para umalis ng café. Sa totoo niyan ay si Kai lang naman talaga ang ipinunta ni Kyungsoo doon, dahil kahit saan naman ay pwede niyang gawin ang pending papers niya, pero dahil kay Mary Ann - kung pang-ilan mang Mary Ann na si Jennie sa buhay ni Kai - ay wala na naman siyang magagawa pa.
While walking to nowhere in particular, kinakausap ni Kyungsoo ang sarili sa isip niya. Alam naman niyang hindi siya papakinggan ni Kai kahit anong sabihin niya, because Kai simply does whatever he wants. It's just how he is. Easy way in, easy way out. When it comes to his love life - eh hindi naman matuturing na love life ‘yun eh, dahil sigurado akong wala siyang minahal na totoo sa mga naging babae niya sa buhay - oo, pwedeng magbigay si Kyungsoo ng advice. Pero hanggang doon lang iyon, kasi best friend niya lang ako.
Tapos na ang klase nila sa Sound Design, pero walang sumulpot na Kai. Nag-cut na naman siya ng classes dahil pakiwari ni Kyungsoo, he's busy doing god-knows-what with Jennie in god-knows-where.
"Tapang talaga ni Kai, ano? Nakakailang absent na ba siya sa Sound Design?” tanong ni Baekhyun sa mga kaibigan habang nagliligpit ng gamit.
Natawa naman si Sehun, "Expert naman na si Kai sa Sound Design. Forte niya 'to, remember?”
“Yeah, I know magaling na siya dito sa field na 'to, baka lang ibagsak na sya due to his absences. Just worried, you know?"
Sumingit na si Kyungsoo sa usapan, "Chill lang kayo, guys. Nakaka-apat na absences palang si Kai. May tatlo pa siyang natitirang chances."
Ginulo naman ni Sehun ang buhok ni Kyungsoo. "Tangina, bilang na bilang ah? Secretary ka ba niya, Bujoy?”
Inayos naman ni Kyungsoo ang buhok niya, "Sabi nang 'wag mo akong tawaging Bujoy eh! Mauuna na nga ako. 'Wag kayong mag-alala, pagsasabihan ko si Kai na pumasok na next time."
Nagpaalam na siya sa dalawang kaibigan, at laking pasalamat niya nang ‘di na siya kinulit ng mga ito tungkol kay Kai.
Hindi naman katagalan ang biyahe mula sa university pabalik sa dorm building. Inaantok na si Kyungsoo dahil masyadong maraming topics ang huling klase nila kaya baka na-overwhelm ang utak niya. Hindi na siya makapaghintay makauwi sa dorm nila at matulog nang walang istorbo. Nararamdaman na niya ang lambot ng kanyang kama habang papaakyat ang elevator sa 21st floor ng condominium.
Nasa harap na si Kyungsoo ng pintuan ng dorm nila, at hinanap niya ang susi sa loob ng bag niya. As he was fishing for the keys, napansin niya na nakabaliktad ang welcome mat sa sahig. Napabuntung-hininga si Kyungsoo, “Oh no. Not this time.”
Hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa’t isa? Kai, kaninang umaga mo pa kasama ‘yang si Jennie!!! Kung kailan namang antok na antok na ako tsaka niyo pa naisipang maglampungan???
Kung tutuusin ay dapat na masaktan at magselos si Kyungsoo sa naabutan sa kwarto nila ni Kai - at oo, may kirot pa rin naman sa dibdib niya kapag umuuwi siyang nakabaliktad ang welcome mat nila - pero sa ngayon ay mas nananaig ang inis na nararamdaman niya. Sa tatlong taon nilang magkasama sa iisang kwarto, at sa dami ng beses na may naabutang ganito si Kyungsoo, ay isa na ito sa mga bagay na nakasanayan na niya - at pilit niyang tinatanggap kahit na mahirap.
Naalala niya ang napag-usapan nilang house rule ni Kai noong mga freshies palang sila, na magpahanggang ngayon ay hindi nila nilalabag. Kyungsoo had a lot of house rules, mainly about cleanliness lang naman dahil OC siya, but Kai only have a single house rule.
“ Kapag inabutan mong nakabaliktad ang welcome mat natin at naka-lock ang pinto, don't even bother to disturb me, if you know what I mean. I’ll text or call you once I’m done and I’ve sent the girl home . No worries, we’re gonna do it on my side of the room.”
Maglalakad na sana si Kyungsoo pabalik ng elevator para tumambay kung saan, nang makasalubong niya si Jennie na papunta sa room nila. Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo dahil buong akala niya ay si Jennie ang kasama ni Kai sa loob ng kwarto.
“Is Kai there? I need to talk to him,” napakalayo ng tono ng pananalita ni Jennie kay Kyungsoo as compared kaninang umaga noong kasama nila si Kai. This is one thing that Kyungsoo doesn't like about this two-faced girl.
Alam ni Kyungsoo na malaking gulo ang naghihintay kung mahuhuli ni Jennie si Kai na may kasamang ibang babae - or even worse, ka-sex sa dorm room nila. Hindi man sila close, Kyungsoo knows that Jennie has a bad temper, base na rin sa mga kwento ni Kai.
Mabilis siyang nag-isip ng alibi, “Ahhh, wala siya sa dorm. Sabi ni Sehun, magkikita daw sila ngayon. Hindi ko lang alam kung saan at bakit. At kung anong oras siya makakauwi."
Tignan mo siya sa mata, Kyungsoo. Para hindi niya malamang nagsisinungaling ka.
Jennie slightly squinted her eyes and looked at Kyungsoo from head to toe. "What about you? Where are you headed to?”
Kyungsoo felt a drop of cold sweat travel from his temple to the side of his cheek. He tried to clear his throat before answering a calculating Jennie, "With all due respect, I think it's none of your interest, Jennie."
He was met with dead silence, as if Jennie’s processing every detail of his white lie. Unti-unting tumataas ang isang kilay ni Jennie, pero nakampante si Kyungsoo nang tumango nalang ito.
“Okay, then. Just tell him to answer my messages and calls kapag nagkita na kayo. It’s something important,” di man lang nagpasalamat ay tumalikod na si Jennie at nagtungo sa elevator.
Ungrateful bitch. A simple thank you would be appreciated. Ano bang nagustuhan sa'yo ni Kai bukod sa maganda ka?
Nang masiguro ni Kyungsoo na bumaba na ang elevator na sinakyan ni Jennie ay agad niyang tinawagan si Sehun.
Please pick up, Sehun…. Shit naman, Kai! Anong gulo na naman 'to?
Kyungsoo nervously tapped his foot on the concrete as he was impatiently waiting for the elevator signal to reach the ground floor. Hindi pa man nakakababa ng tuluyan ang elevator kung saan sumakay si Jennie ay sinagot na ni Sehun ang tawag niya. Kyungsoo then sighed in relief.
“Huwag kang magpapakita kay Jennie today. If she's gonna call you, please sabihin mo kasama mo si Kai at busy kayo doing something urgent at bawal kayong istorbohin,” mabilis na litanya ni Kyungsoo nang sumagot na sa kabilang linya si Sehun.
“Wait, what's happening?”, nag-aalalang tanong ni Sehun. Palabiro man ito pero he knows when to be serious kung kinakailangan, at sa tono ni Kyungsoo ay alam niyang big deal ito.
“It’s just…” Kyungsoo's trying to find the right words to say. He wants to sugarcoat things and doesn't want to state the obvious, “...may bagong Mary Ann, and we need to save Kai’s womanizing ass.”
“Copy. Cover for Kai. Got it.”
“Thanks, Sehun.” Alam naman nila na hindi tama ang ginagawa ni Kai, and they're not condoning his acts, they're just helping him para umiwas sa gulo. The two of them know that Jennie, despite her outer bubbly demeanor, could start a war just to get what she wants and defend what’s hers.
Bumalik na lang si Kyungsoo sa tapat ng room nila and calmed himself down from the panic brought about by unexpectedly seeing Jennie. He pulled his earphones from his bag at nakinig nalang ng music dahil baka kung ano pang ibang di kanais-nais na ingay ang marinig niya mula sa loob ng kwarto nila.
‘Di na mabilang ni Kyungsoo kung nakailang kanta na ang napakinggan niya sa kanyang playlist. Umupo muna siya sa sahig at pilit na linalabanan ang antok. Papikit na sana ang mga mata niya nang maalimpungatan siya dahil bumukas na sa wakas ang pintuan ng kwarto nila.
Agad naman niyang pinulot ang mga gamit niya at tumayo. When the door finally opened, laking gulat nalang ni Kai na nandoon na kaagad si Kyungsoo.
“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Kai na para bang wala siyang milagrong ginawa. Halata ni Kyungsoo na kakabihis lang ng kausap dahil hindi pa maayos ang pagkakalapat ng sleeves ng t-shirt nito sa balikat.
Tumango lang si Kyungsoo, pero hindi siya nakatingin kay Kai, kundi sa babae sa tabi niya.
“Hi, Kyungsoo…” mahinang sambit ng bagong Mary Ann, na tila ba ay nahihiya siyang nahuli siya sa akto ng kausap. Hindi rin lumagpas sa paningin ni Kyungsoo ang magulong buhok niya.
Maliit na ngiti lang ang ibinalik ni Kyungsoo. “Pwede na ba akong pumasok? Tapos na ba kayo?”
Hindi pa man nakakasagot si Kai ay sumingit na sa gitna nila si Kyungsoo para makapasok sa kwarto. Linapag na niya ang mga gamit niya sa kanyang kama at hinintay na ihatid ni Kai ang bisita palabas patungo sa elevator.
Mahuli sana kayo ni Jennie nang magtanda ka na, Kai!
Pagbalik ng kanyang roommate ay agad-agad itong kinausap ni Kyungsoo. “Oh my God, Kai! Seryoso ka ba? Si Krystal?” hindi inakala ni Kyungsoo na mapapalakas ang boses niya.
Humiga naman si Kai sa kanyang kama at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang unan. “Yeah, why not? Thanks for introducing me to her. She's great.”
Nag-init ang tainga ni Kyungsoo sa mga narinig, pero ikinalma niya ang kanyang sarili bago sumagot. Of all things, ayaw niyang ma-misinterpret siya ni Kai sa mga sasabihin niya.
“Correction. Hindi ko siya ipinakilala sa’yo. Two days ago nag-group study kami dito while you're minding your own business. At akala mo ba hindi ko napapansin ‘yung mga pasulyap-sulyap niyo ni Krystal na parang hinuhubaran niyo na ang isa’t isa? I know you and your strategy with girls, given na ‘yun. Ang point ko lang, that was just two days ago. Two. Days. Ago.”
Ngumisi lang si Kai, na ikinainis lalo ni Kyungsoo, “Are you my mother? Dami mo namang sinasabi. Oh, sige ililibre nalang kita ng movie ticket bukas dahil binigay mo sa akin ang number niya.”
Hindi na talaga alam ni Kyungsoo ang sasabihin pa, since Kai’s not getting the point. “Correction ulit. Hindi ko ibinigay. Kinulit mo ako hanggang sa hindi ako makatulog para lang makuha ang phone number ni Krystal.”
“Okay then. Libre ko na rin ang favorite mong cheese popcorn bukas. 6PM ha. Light Mall. Don't be late.”
Eh ikaw nga itong laging late kapag nanonood tayo ng sine!
Binato ni Kyungsoo ng maliit na unan si Kai sa kabilang kama dahil sa sobrang inis. Ibinato naman ito pabalik ni Kai at pabiro niyang tinanong ang best friend niya, “Huy, ano bang problema mo? This isn't the first time that I did this.”
Naging seryoso na ang tono ni Kyungsoo, at nang marinig ito ni Kai ay umupo siya mula sa pagkakahiga at humarap sa kausap. “Muntik na kayong mahuli ni Jennie kanina. Nakasalubong ko siya habang papunta siya dito. Good thing naniwala siya sa sinabi kong wala ka at sinabi kong pinuntahan mo si Sehun. Don't worry, informed na siya. He knows what to do.”
Napatahimik saglit si Kai at tinignan niya si Kyungsoo sa mga mata. After a few seconds, he smiled - not the typical smile that he plasters on to get women's attention, but a genuine one, the type of smile that sends the most butterflies in Kyungsoo's stomach. Kai’s smile, that Kyungsoo assumes, is just for him. “Thanks, Kyungsoo.”
“I know you won't listen to anyone, not even me, when it comes to your relationships,” Kyungsoo took this time na seryoso si Kai to explain his side.
His best friend is intently listening to whatever he has to say.
Kyungsoo continued, “Pero just a piece of advice, tapusin mo muna ‘yung sa inyo ni Jennie before you put Krystal in the picture. Ikaw na rin ang nagsabi na may ugali si Jennie. I hope you know the consequences ng pag-two time mo sa kanila. They don't deserve that, and I believe you're a better man than this, despite your reputation and all.”
Hindi na nakasagot si Kai, at hindi na rin hinintay ni Kyungsoo kung ano ang sasabihin niya. Humiga na si Kyungsoo sa kanyang kama. He decided that it's enough stress for today. Kai surely knows what he's doing.
Kyungsoo faced the wall, but before he finally dozed off to rest, Kai called him. “Soo, thanks for covering me up. Pero I have one more favor to ask.”
Kyungsoo just hummed to inform Kai that he’s still listening.
Kai continued, “I’m gonna break up with Jennie soon. Can you still keep on covering up for me and Krystal, habang hindi ko pa nakakausap si Jennie?”
Really, Kai? Idadamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo?
Hindi na sumagot si Kyungsoo.
Kai took his silence as a yes. “Thanks, Kyungsoo. And I’m serious sa sinabi ko kanina. Manood tayo ng sine bukas, my treat. You've helped me a lot today.”
The next morning, balik sa dating routine ang magkaibigan, as if nothing happened yesterday. Sanay naman na si Kyungsoo and he knows that Kai doesn't give much importance to his relationships with his girls. Hindi rin sure si Kyungsoo if Kai’s doing it to boost his ego or to maintain his cool macho image sa campus. It seems like, unlike the hopeless romantic that he is, Kai is the exact opposite. His best friend just simply doesn't believe in love, or purposely ignores its entire existence.
Nasa lobby na sila ng condominium when they parted ways. Nagpaalam na si Kai dahil kukunin na niya si Thirdy sa parking lot.
“Una na ako, Soo. Susunduin ko pa si Krystal eh.”
Nagpanggap naman na umubo si Kyungsoo habang binabanggit ang pangalan ni Jennie. Hindi talaga makapaniwala si Kyungsoo na two-timer ang best friend niya, and as far as he can remember, this is the first time that the overlap between the two girls is too obvious na muntikan nang magkahulihan kagabi.
Napakamot nalang ng ulo si Kai, nakangiti dahil akala niya ay binibiro lamang siya ni Kyungsoo sa pagpapaalala kay Jennie. “Susunduin ko din si Jennie mamaya after ni Krystal. Hindi naman sila pareho ng schedule eh. Talk about convenience, right? Mahal talaga ako ni Lord."
Kyungsoo tried to reason out what he said last night, “Kai, ‘di ba…”
Pero bago pa man marinig ni Kai ang sasabibin ni Kyungsoo ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad papalayo, “Yeah, yeah, I get it. ‘Wag mo na akong sermonan ulit, Tito Soo.”
Kyungsoo made sure that his best friend's gonna hear him loud and clear, "Basta pinagsabihan na kita, ha. Walang sisihan!”
Kai, without turning around, just waved his roommate goodbye.
"Tsaka anong mahal ka ni Lord? Gago, baka yung nasa baba pa ang natutuwa sa'yo!” pahabol ni Kyungsoo, na narinig ni Kai kaya napatawa nalang siya.
Hinayaan nalang ni Kyungsoo ang kaibigan at napabuntung-hininga. Naghintay nalang siya ng na-book niyang Grab para hindi siya ma-late sa first class niya.
The day passed by like a blur, and Kyungsoo's thankful that it's Wednesday. It's the only day in a week na most of his classes are electives, meaning less interaction sa barkada niya bukod sa last subject kung saan classmate niya si Baekhyun.
For the most part of his day, walang malakas na boses ni Baekhyun, walang nang-aalaskang Sehun, at lalung-lalo nang walang sakit na ulo na nagkatawang tao na pinangalanang Kai. As much as he loves his friends, kailangan din ni Kyungsoo ng at least one day to have time for himself, to recharge sa lahat ng social interactions na talaga namang nakaka-drain para sa introvert na gaya niya.
“May lakad ka ba?” usisa ni Baekhyun sa kaibigan nang tabihan siya ni Kyungsoo sa isang large class nila sa auditorium.
“Wala naman. Manonood lang kami ng sine ni Kai mamaya.”
Tinignan muli ni Baekhyun ang kaibigan mula ulo hanggang paa, “Bihis na bihis ka ah. May okasyon ba? Saan ang photoshoot? Sayang di ko dala camera ko."
Umiling lang si Kyungsoo, “Ganito naman suot ko palagi ah.”
Mahinang binatukan siya ni Baekhyun, “Ulol, sinong niloloko mo? Printed oversized shirt, simple pants and sneakers ang usual get-up mo. Para kang aattend ng binyag sa suot mo, Ninong Bujoy!"
‘Di na sumagot si Kyungsoo dahil pumasok na ang professor nila na nagseset-up ng lesson nila. Hindi pa rin naaalis ang tingin sa kanya ni Baekhyun, na tila ba hinihintay ang paliwanag niya.
“So ano na nga? Anong ganap nyo ng Ned mo?”, hindi pa rin tapos si Baekhyun na asarin ang kaibigan, pero hininaan na niya ang boses niya dahil baka masita pa sila.
Hindi pa rin sumasagot si Kyungsoo at nagbasa na lamang ng notes. Baekhyun leaned in closer to his friend, still keeping the volume of his voice at a minimum.
“Bakit kapag tayo namang dalawa ang nanonood ng sine, di naman ganyan ang suot mo?”
Tinignan lang siya ng masama ni Kyungsoo, as if telling Baekhyun that he's just assuming things.
Baekhyun still continued his interrogation, “O kaya naman kahit kayong dalawa lang ni Sehun? Ano bang meron? Ha?”
“Okay fine. He's treating me to a movie as a thank you dahil marami akong nagawang favor for him yesterday. Okay na? Showbiz correspondent Baek? Napakachismoso mo talaga kahit kailan!”
Aasarin pa sana siya ng kaibigan, kaya nagpasalamat nalang si Kyungsoo nang magsimula na ang professor nila. Focused silang dalawa ni Baekhyun sa lesson kaya naman nang matapos na ang klase ay hindi na hinayaan ni Kyungsoo ang kaibigan na alaskahin pa siya.
“Hep, before you say anything, mauna na ako. Malapit na mag-6pm and I’m gonna head to the mall,” paalam ni Kyungsoo sa kaibigan.
“Nagmamadali ka eh palagi namang late ‘yang best friend mo!” sigaw ni Baekhyun nang makalayo na si Kyungsoo. Natawa nalang siya sa sarili niya dahil alam niya na matagal na namang maghihintay si Kyungsoo sa mall.
6:50PM na, at tama na naman ang hula ni Baekhyun. Ang tagal nang naghihintay ni Kyungsoo sa mall. 10 minutes nalang at magsisimula na ang movie. Hawak niya sa isang kamay ang movie tickets na binili niya, na balak niyang abonohan muna dahil sagot dapat ito ni Kai. ¼ na rin ang nauubos niya sa binili niyang cheese popcorn, na dapat ay si Kai rin ang bibili.
Ilang beses na niyang tinatawagan ang phone ng best friend niya ngunit hindi ito sumasagot. Hindi naman nanghihinayang si Kyungsoo sa pera, kundi sa time na dapat ay magkasama sila ng taong minsan niya lang masolo sa labas ng dorm nila.
Oo, selfish na kung selfish, pero hindi naman masama na humiling pa ng mas mahabang panahon na makasama ang taong mahal mo, diba? Lalo na kung alam mong hindi ka rin naman niya mamahalin kahit kailan.
Bago pa man mag-7pm ay napagdesisyunan na ni Kyungsoo na pumasok sa sinehan. Ibinulsa na lamang niya ang ticket na dapat ay para kay Kai. Naabutan pa niya ang huling movie trailer bago magsimula ang mismong movie na papanoorin niya, at naalala niyang ang mga trailers ang pinakainaabangan ni Kai kapag nasa sinehan sila.
Bonding moment nila ang manood ng movies, sa sinehan man o sa loob ng dorm nila, pero sanay na si Kyungsoo na mag-solo flight lalo na at alam niyang may ibang pinagkakaabalahan ang best friend niya as of the moment. Alam niyang never naman siya magiging priority ni Kai, at kahit anong pilit ni Kyungsoo na magfocus sa zombie apocalypse action-jampacked film na tiyak siyang magugustuhan ng best friend niya, ay may sakit pa rin siyang nararamdaman.
Two hours had already passed at natapos na ang movie. Ito sana ang highlight ng bonding moment niya with Kai. Bukod sa magkaiba sila ng taste pagdating sa mga pelikula, ay nae-enjoy ni Kyungsoo ang pagpapalitan nila ng opinion ni Kai. Hindi man seryoso si Kai sa pag-aaral ay passionate naman ito kapag nakikipag-usap siya kay Kyungsoo tungkol sa films. He always offer Kyungsoo a lot of different ideas from his point of view, at naa-appreciate niya iyon dahil for that conversation ay mas nakikilala niya pa ng lubusan ang kanyang best friend. Through their discussion, Kyungsoo gets to know how Kai sees the world, and during that span of time, he lets his own world revolve around only the two of them. No Jennie, no Krystal, and no other Mary Ann.
Pero wala siya ngayon, or so Kyungsoo thought. Habang ina-analyze niya ang movie na pinanood niya, ay nakasalubong niya si Kai na kasama si Krystal. Kakalabas lang nila sa isang fancy Italian restaurant, at nagulat din si Kai nang makita niya si Kyungsoo sa mall.
Nakita ni Kai ang hawak na popcorn ni Kyungsoo na natira niya habang nanonood kanina, at naalala niya bigla ang promise niya dito kagabi. He tried to shrug it off and pretended that he forgot about the movie, “Kyungsoo, what are you doing here?”
We were supposed to watch a movie, asshole.
Kyungsoo tried to fake a smile even if his heart suddenly felt heavy. Hindi siya galit kay Krystal because she's simply a victim here, just like Jennie and all the other Mary Anns, no matter how clueless they are. Hindi rin siya galit kay Kai dahil - never naman siyang nagalit kay Kai kahit ilang beses na itong nangyari - sa isip ni Kyungsoo, ay baka nakalimutan niya lang talaga ang pangako niya sa kanya kagabi. Galit si Kyungsoo sa sarili niya, kasi of all people siya ang pinakanakakakilala sa best friend niya, at dapat ay hindi na siya umasa pa.
“Ah may binili lang ako,” palusot niya. Pinilit ni Kyungsoo na hindi gawing big deal ang pag-ditch sa kanya ni Kai, pero nang makita niya na magkahawak ang kamay nila ni Krystal ay hindi mapigilan ni Kyungsoo ang magselos.
Oo, wala sa lugar pero nagseselos ako. Ang gago mo, Kai. Pero mas gago ako kasi asa pa rin ako ng asa sa'yo.
Hindi naman manhid si Kai. Alam niyang may kasalanan siya, but his ego's too big to admit he's wrong, and at the back of his mind, he's sure that this isn't a big deal for Kyungsoo. Hindi naman niya sinasadyang makalimutan ang pangako niya kay Kyungsoo. It's just that his mind was preoccupied by Krystal ever since he met her.
But he can't brush off the look on Kyungsoo's eyes… “Ah, sige. Mauna na kami ni Krystal.”
Ganun-ganun na lang at naghiwalay na naman sila ng landas.
Ganito naman palagi. Tigilan mo na ‘yan, Kyungsoo. By this time, sanay ka na dapat kay Kai.
Matapos magpaalam ni Kyungsoo kina Kai at Krystal ay sakto naman na may na-receive siyang text message from Baekhyun.
Baek: Soo! Pahiram naman notes mo sa film theory, please.
Punta ko sa dorm niyo ngayon. Review na rin tayo for the quiz on Friday. Thaaaaaanks!!!
Hulog ng langit talaga minsan ang makulit na si Baekhyun. Now Kyungsoo has some stuff to be busy about, instead of drowning himself in self-pity and self-doubt. For some time, makakalimutan niyang Kai ditched him twice already this week, once with Jennie and Thirdy, and now with Krystal and the movie.
Agad-agad na bumalik si Kyungsoo sa dorm nila, at sakto naman ang dating ni Baekhyun. Sabay silang sumakay ng elevator.
Baekhyun pushed the elevator button, excited dahil parang ang tagal na niyang hindi nakatambay sa dorm ng mga kaibigan.
“Saan si Ned?” biniro na naman niya ang kaibigan, his goofy smile so big it can almost reach his ears.
Seryoso siyang tinignan ni Kyungsoo, expression so blank that made Baekhyun unsure if it's the right time to make that same old joke.
Nakampante ang loob ni Baekhyun nang pilit na gayahin ni Kyungsoo ang tono ng boses niya. “ Hulaan ko ulit. Ned chose Mary Ann over Bujoy? Again? Unahan na kita para hindi na sayang ‘yang laway mo.”
Natawa naman si Baekhyun sa impersonation sa kanya ni Kyungsoo. Inakbayan niya ang kaibigan niya at nagbukas na ang elevator.
“Hayaan mo na, Bujoy! I’m here so ‘di mo na kailangang malungkot! Basta ipagluto mo ako ng masarap na dinner, ha?”
Papasok na sana sila sa loob ng kwarto and out of nowhere, Jennie pushed in between them and barged in first. Nagulat ang dalawang magkaibigan sa mistulang nagpapanic na Jennie, and it's their first time seeing her at that state, far from her poised confident self.
Her voice was too loud that Kyungsoo's a hundred percent sure na rinig sila ng mga neighbors nila. “Where’s Kai?! Tell me!”
Hindi pa fully napa-process nina Kyungsoo at Baekhyun ang mga nangyayari, and Jennie proceeded to check every corner of the room. Without any permission from Kyungsoo who owns the room, she checked the restroom, under the beds, inside the cabinet, the terrace, but still she couldn't find her boyfriend.
As much as she doesn't like Jennie around, Kyungsoo tried to calm her down. “Kumalma ka, please. Ano bang nangyayari?”
But Jennie won't listen to him, “He's not answering my calls and my messages. ‘Di ba sinabi ko sa’yo na remind him to fucking answer my fucking calls?! Are you hiding something from me, Kyungsoo? I know that you know something's up with Kai!”
“Huwag mong dinadamay kaming mga kaibigan ni Kai sa mga problema niyo. Wala si Kai dito,” hindi na napigilan ni Kyungsoo ang sarili niya na sagutin si Jennie.
Jennie stepped closer to him and slightly pushed him, “You're his best friend and it's impossible that you don't know where he is. So tell me honestly, Kyungsoo, nasaan si Kai?”
Humigpit ang hawak ni Kyungsoo sa phone niya to keep his composure. Babae pa rin si Jennie and no matter how rude she is, alam niyang talking some sense to her would be the best thing to do.
“How many times will I tell you na hindi ko alam kung nasaan si Kai? Please, umalis ka nalang,” mahinahong sabi ni Kyungsoo.
Tinignan naman ni Jennie ang hawak niyang phone and an idea came to her mind. Pilit niya itong inagaw kay Kyungsoo, “I don't believe you! Let me see your phone!”
“No! Wala kang makikita dito! Hindi ko alam kung nasaan siya!” hindi nagpatinag si Kyungsoo sa nagpupumilit na Jennie. He's bigger and stronger than her, kaya he's being careful not to hurt her. She may be raging now pero alam ni Kyungsoo na she's just too emotional sa mga panahong ‘yun, and he thinks he already knows why she's looking for his best friend.
To the rescue naman si Baekhyun na inawat ang dalawa. Hindi niya ine-expect na may maaabutan siyang best friend versus girlfriend drama, dahil ang alam niya ay notes ang ipinunta niya dito. “Hey guys! Stop!”
"Hell to the no! Alam kong lagi kayong nag-uusap ni Kai! I need to see his messages!" nagpupumilit pa rin si Jennie na agawin ang phone ni Kyungsoo.
"Wala kang makikita sa phone ko! Ikaw ang girlfriend kaya ikaw ang mas dapat nakakaalam kung nasaan si Kai, hindi ako! Best friend lang ako!” nagpapanic na rin si Kyungsoo dahil hindi pa rin nagpapaawat si Jennie.
"You certainly don't wanna mess with me, Kyungsoo! Just let me see your phone!!!”
Habang nag-aagawan sila Kyungsoo at Jennie at umaawat naman si Baekhyun, ay nasanggi ni Jennie ang table kung saan nakapatong ang mug ni Kyungsoo. Natigil lang silang tatlo nang mahulog ito sa sahig at nabasag. Laking pasasalamat ni Kyungsoo na handle lamang ang naapektuhan ng impact at hindi nabasag ang buong mug. Ibinulsa na niya ang phone niya kung saan wala namang makikitang sagot si Jennie kung nasaan si Kai.
Magsasalita pa lamang si Jennie nang biglang bumukas ang pinto. Halos sabay lumingon ang tatlong tao na nasa loob ng kwarto kung sino ang pumasok para abutan ang kaguluhang nangyayari. This is the answer that Jennie’s been looking for, and the one that Kyungsoo's trying to get away from her.
"Jennie, what are you doing here?”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Kai nang ma-realize niya ang nangyayari sa loob ng kanilang dorm. Bigla rin bumitaw si Krystal sa pagkakahawak sa kamay ng kasama.
Bigla na lamang lumapit si Jennie kay Kai at binigyan siya ng isang hindi niya malilimutang sampal sa pisngi. Nagulat na lamang sina Kyungsoo at Baekhyun sa nasaksihan. Napaisip si Kyungsoo na mabuti nang ito lang ang naabutan ni Jennie, at hindi ang naabutan niya kahapon sa kwarto nila. Malamang sa ngayon ay kailangan na ng face transplant ni Kai, at kabaong naman para kay Krystal.
“So this is the reason why you're not responding to my calls and texts,” she said as she gave Krystal a nasty look from head to toe.
Wala pa mang sinasabi si Kai ay naglakad na papalayo si Jennie, ngunit bago pa man siya makalabas ay binalikan niya si Kai para bigyan ng isa pang sampal. “Hindi sapat ang isang sampal lang. We’re over, cheater!”
Hindi na napigilan ni Krystal ang umiyak nang ma-realizze niya na niloko rin siya ni Kai, kaya naman lalabas na sana siya ng kwarto pagkalabas ni Jennie, pero pinigilan siya ni Kai.
“Krystal, wait. Let me explain,” Kai begged.
Pagharap sa kanya ni Krystal ay sinampal rin siya nito, mas mahina lang sa award-winning sampal na binigay sa kanya ni Jennie. “Akala ko ba nakipaghiwalay ka na sa kanya? Gagawin mo pa akong kabit?!”
“I was planning to but…” panimula ni Kai, pero hindi na handang makinig si Krystal.
“I should have listened sa mga sinasabi nila. I should have believed them when they said that you're a walking red flag,” at lumabas na rin sa kanilang kwarto si Krystal.
Hindi makapaniwala si Kai sa mga nangyari. Alam niyang may kasalanan siya, pero first time lang mangyari ito sa kanya na nahuli siya ng mga babaeng pinagsasabay-sabay niya. This isn't his game, and this isn't how it should end.
Lumapit si Kyungsoo at sinubukang i-comfort si Kai, kahit di niya naman deserve ito. “Kai, I’m sorry…”
Tumingin sa kanya si Kai at tinanggal ang nakapatong na kamay ng kaibigan sa balikat niya. Nabigla si Kyungsoo, maging si Baekhyun, sa mga sinabi nito, “This is all your fault! I asked you to do one thing about Jennie, Soo! Pumayag ka ‘di ba? Bakit hindi mo nagawa?! Akala ko ba malakas ako sa’yo?!”
Magsasalita pa sana si Kyungsoo, kahit na biglang humapdi ang mga mata niya at bumigat ang kanyang dibdib, mas mabigat pa kanina noong makita niyang magkasama sina Kai at Krystal. Buti na lamang at bago pa tumulo ang luha niya ay lumabas na si Kai ng kwarto at hinampas pasarado ang pintuan.
Matapos ang mainit na kaganapan sa loob ng kwarto nila, ay tila ba nakakabingi ang katahimikan na sumunod. Hindi na napigilan ni Kyungsoo ang mga luha na pumatak sa kanyang mga mata. Naguguluhan siya kung bakit biglang siya nalang ang sinisi ng best friend niya sa mga kasalanang siya naman ang nagsimula. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nalulungkot siya, sa halip na dapat ay magalit siya sa kaibigan.
Baekhyun slowly stepped closer to Kyungsoo upon noticing that he's silently crying and wrapped his arm around his shoulders, “Kyungsoo, we need to talk about this.”
Hindi pa rin umuuwi si Kai mula nang mangyari ang kaguluhan sa dorm nila. Naiinis si Kyungsoo dahil ayaw niyang makita siya ni Baekhyun na umiiyak, pero nagpapasalamat na rin siya dahil hindi siya iniwan ng kaibigan. Mabigat ang pakiramdam ni Kyungsoo dahil kahit na marami silang hindi pinagkakasunduan ng roommate niya, ay ito ang unang pagkakataon na nagalit ito sa kanya. Malinaw kay Kyungsoo ang mga salitang binitawan ni Kai kanina, and the look in his eyes before he left him confirmed it.
“Pasensya na, ha. I’m not a good cook like you,” linapag ni Baekhyun ang dalawang plato ng pancit canton na hinanda niya sa lamesa kung saan nakalugmok si Kyungsoo.
Inayos ni Kyungsoo ang sarili sa pagkakaupo at pinunasan ang mga luha niya sa mata. Pilit siyang ngumiti nang kunin niya ang mga tinidor na hawak ni Baekhyun. “Ako na nga maghahalo niyang seasoning. Hirap na hirap ka na eh.”
Kyungsoo tried to lighten up the mood, and he expected Baekhyun to naturally give a funnier remark. Pero natahimik ulit siya nang makitang seryoso ang kaibigan.
Baekhyun looked at him straight in the eyes, “Ikaw ang hirap na hirap na. I know you're not okay, pero tapatin mo nga ako…”
“Huwag, Baek. Please don't make me say it,” alam ni Kyungsoo kung anong tinutukoy ng kausap.
“No. You have to make it clear. Para maintindihan ko kung ano ‘yung nangyari kanina. Para rin matulungan na kita.”
“I don't need your help, Baek. Thanks for the concern anyway.”
Mahinang binatukan siya ng kaibigan, “This isn't the right time para sarilinin mo ‘yan. I’m here to help. I promise hindi kita ilalaglag unlike what Kai did earlier.”
Napatigil si Kyungsoo sa paghalo niya ng pancit canton upon hearing his best friend's name. Tinignan niya si Baekhyun, at alam niyang seryoso talaga ito sa sinabi niya.
He took a deep breath before revealing the truth. Unti-unti na namang bumibigat ang dibdib ni Kyungsoo. His throat dried up, as if the words were stuck in there, not ready to be spoken out loud. He's starting to feel sweat on his palms and notice the anxiety kicking in, but he tried to muster all the courage that he bottled up during those years of keeping his secret.
“Alam ko namang alam mo na. Matagal ko nang gusto si Kai.”
“Gusto lang?” paninigurado ni Baekhyun.
Umiling si Kyungsoo, there's no more point in trying to hide it anyway. “No. I love him . Three years na.”
“Oh, shit.”
Napabulong na lang si Baekhyun dahil hindi niya inakala na nakapagtiis si Kyungsoo sa ganitong set-up sa loob ng tatlong mahahabang taon. Oo, close siya sa barkada niya, pero hindi alam ni Baekhyun ang lahat ng nangyayari sa loob ng dorm nila Kai at Kyungsoo.
“I know what you're thinking, and hindi ako magagalit kahit i-judge mo ako. Tanga na kung tanga. Desperado na kung desperado. Pero wala eh, mahal ko eh. I think that's just how the way it is, ” tila ba ay mas sinasabi ito ni Kyungsoo sa sarili niya kaysa sa kausap.
Natahimik si Baekhyun, and Kyungsoo took this chance to finally tell him what happened earlier. Wala siyang iniwang detalye, mula sa ipakilala niya si Krystal kay Kai noong isang araw, hanggang sa paghingi sa kanya ng tulong ng best friend nya to cover his secret affair from Jennie. Hindi na niya idinetalye kung kailan at paano siya nagkagusto sa best friend niya, dahil alam ni Kyungsoo na matagal naman nang may idea si Baekhyun dito. Ilang taon mang kinimkim at sinarili ni Kyungsoo ang feelings niya para kay Kai, ay ‘di niya maikakaila na magaan sa pakiramdam ang may mapagsabihang ibang tao nito. Hindi niya lang talaga inaasahan na si Baekhyun pa ang unang makakaalam ng katotohanan.
“I already know this pero sasabibin ko ulit. Gago pala talaga si Kai, ano? Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang gagawa noon?” ramdam na rin ni Kyungsoo ang namumuong inis sa boses ni Baekhyun.
Tumango lang si Kyungsoo. “Kaya nga yata best friends kami. Siya ‘tong ginagago lang ako, at ako naman ‘tong nagpapakatanga para sa kanya.”
“Tigilan mo nga ‘yan. Naguguluhan tuloy ako kung maiinis ako kay Kai dahil he's taking advantage of your feelings for him despite him knowing nothing about it, or maiinis ako sa’ yo dahil all these years hinayaan mo lang siyang masanay ng ganoon, na umabot na sa point na nagsisinungaling ka na rin sa iba para lang pagtakpan siya.”
Nang hindi magsalita ang kausap ay nagpatuloy si Baekhyun sa pag-lecture sa kaibigan. “Gets ko pa ‘yung kulang nalang lahat ibigay mo sa kanya, mula sa pagkain hanggang sa mga projects natin sa school. But this? This is way out of your character, Kyungsoo.”
Uminom muna ng tubig si Kyungsoo gamit ang mug na muntik nang mabasag ni Jennie kanina. Nanibago siya nang hindi na niya mahawakan ang handle dahil basag na ito. Bahagya niyang naalala ang panahon noong namimili sila ni Kai ng mga gamit para sa dorm noong freshies pa lamang sila. May kaunting kirot siyang naramdaman nang maalala kung paanong parang batang pinili ni Kai ang matching magic mugs nila, saying na bagay na bagay ‘yun para sa kanilang dalawa.
Pero ngayon parang pati ang friendship namin ay mababasag na.
“Please don't say anything to him, Baek. Alam ko namang after nito, lilipas din ‘yung galit niya sa akin. Everything will be back to normal,” pakiusap niya sa kaibigan.
Tumango naman si Baekhyun at hinawakan ang kamay ni Kyungsoo. “Your secret’s safe with me.”
Natahimik sila saglit nang kumain na sila.
“Sorry na rin pala, Kyungsoo,” nagulat si Kyungsoo sa sinabi ni Baekhyun.
“I should've been more sensitive sa pang-aasar sa’yo. You know, that Bujoy-Ned thing. I’ll stop now that I know what you’ve been and is still going through.”
Napangiti naman si Kyungsoo sa narinig. “Okay lang, ‘di mo naman kasalanan na hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko para kay Kai.”
“So anong plano mo?”
Mabilis namang sumagot si Kyungsoo who just shrugged his shoulders. “Wala.”
Napakamot ng ulo si Baekhyun at ‘di makapaniwala sa kaibigan, “Ano? Ipagpapatuloy mo lang ‘yang katangahan mo kay Kai? Magbabati kayo, tapos sasaktan ka na naman niya, tapos uulit na naman kasi papatawarin mo siya?”
“Eh anong gusto mong gawin ko? Umamin ako sa kanya tapos tuluyan na niya akong iwasan? Alam naman nating pareho na hindi niya ako magugustuhan, Baekhyun. He isn't into guys, malinaw sa ating dalawa ‘yun.”
Napangiti si Baekhyun, at alam ni Kyungsoo na may pina-plano ito. “Why not give it a try? Wala naman sa sexual preference ‘yun. Kung mahal ka niya, mahal ka niya. It's fucking 2020 already.”
“Hindi mo ba ako narinig…” Malaki ang pasasalamat ni Kyungsoo na hindi big deal kay Baekhyun na may gusto siya kay Kai, pero gusto niyang maintindihan siya ng kausap.
“Narinig kita. Now listen to me. Tutulungan kitang umamin kay Kai.”
“No, it isn't as simple as that.” Mariing sabi ni Kyungsoo. “Akala ko ba my secret’s safe with you? ‘Wag mo na kong piliting gawin ang imposible, Baek.”
“Akala ko ba matalino ka? Come to think of it. Kapag umamin ka kay Kai, may chance na magising siya sa katotohanan at ma-realize niya rin na mahal ka rin niya as someone who’s more than a friend…”
Magsasalita pa sana si Kyungsoo para kontrahin ang kaibigan pero wala ng preno ang bibig ni Baekhyun.
“... Or worst case scenario, mangyari nga ‘yang iniisip mo na iiwasan ka na niya for the rest of eternity, pero in the end mapapakawalan mo na ‘yang sarili mo sa lahat ng katangahan mo para sa kanya at makakapag-move on ka na. Either way, it's a win-win situation for you.”
Napakunot naman ang noo ni Kyungsoo sa haba ng paliwanag ni Baekhyun at pinag-isipang mabuti ang sinabi nito. Tumayo siya para ligpitin ang pinagkainan nilang dalawa.
“I’ve made up my mind. Wala akong aaminin kay Kai. At wala ka ring gagawin para tulungan ako.”
“Pero…” pilit pa ring sabi ni Baekhyun.
“Wala nang pero-pero. That's final.”