Actions

Work Header

chasing pavements

Summary:

Sa isang istorya, may isang bida at isang kontrabida. Ganun naman talaga diba? Pero paano nalang kung ang bida natin ang kontrabida sa istorya?

Eto si Minho sa buhay ni Chan, isang kontrabida. And Chan would absolutely do anything para lang umalis sa buhay niya si Minho.

(Or that fic where in Chan had enough of Minho, palagi nalang siyang nasusunod. That’s why Chan married him, right? Out of convenience. And finally, after what it feel like years, handa nang mag-let go si Minho. Chan felt him slipping away like he wanted him to. Lahat nga ginagawa niya para magsawa si Minho sa kanya at hiwalayan siya diba? To get out of this hell called marriage.

Except that, everything changed after he felt Minho slipping out of his life. And Chan was left, wondering how he can go back to those days when Minho still loves him.)

Notes:

sorry for the lame title, couldn't think of anything eh :((

but hey, im back with another angst!! yey! akshuli, matagal ko na 'tong wip at nako, napakaraming pagbabagong nangyari dito until it turned out this way. I hope magustuhan niyo 'to because this is a different take from the usual minchan I write. medyo mabigat kasi 'to and i hope naipakita ko siya ng maayos sa pagsusulat ko. medyo kabado pa akong ipost 'to but i hope magustuhan niyo! i hope i gave justice to the characters and their feelings :(

advance apologies for grammatical errors, typos, inconsistencies and other mistakes. enjoy at maraming salamat sa pagbabasa!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:



Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Minho habang hinahalo ang scrambled eggs na niluluto niya sa mainit na kawali. Ang dahilan nito ay walang iba kung hindi ang mabibigat na yapak ng nagmamadaling Chan. 

 

Another morning to spend and hope for na baka this time, it would be different. Baka ngayon, babatiin na siya ni Chan. Or if he's lucky, sasaluhan siya ni Chan na kumain ng breakfast. 

 

Dahan-dahang inilagay ni Minho ang lutong scrambled eggs sa plato ni Chan bago nito masilayan ang asawa niyang nagmamadaling isuot ang sapatos niya sa tapat ng pintuan nila. 

 

"Goodmor–" Bago pa man niya mabati ang asawa niya, sinaraduhan na siya nito ng pinto. Napangiti siya ng mapait sa isang mabigat na pagsarado ng pintuan. 

 

Chan didn't do anything. He didn't even acknowledge Minho's presence. 

 

He was left alone, in this big cold apartment. 

 

And finally, Minho could cut off the act na he was living his best life with his husband because in reality, kahit kailan hindi naman mangyayari 'yun. 

 

Aantayin nalang siguro niyang maging asul ang buwan bago siya umasang isang araw, magigising nalang siyang mahal na siya ng asawa niya. It has always been like this. Two plates on the table pero may matitirang isa, always left untouched. But what can Minho do? Kaya man niyang pilitin si Chan na pakasalan siya but he can never force him to act like a proper husband lalo na kung wala naman silang lolokohing ibang tao. 

 

Lalo na kung hindi naman talaga siya mahal nito. 















"Ano ba 'yan, papasok sa bakery ng may negative energy." Bati sa kanya ni Felix nang makapasok siya sa shop nila. It's a bakery na around the corner lang naman ng kalsada at walking distance lang mula sa apartment nila ni Chan. Pagmamay-ari ito nina Minho at Felix, ang matagal nang magbestfriends. 

 

"Ha?" Tulirong wika ni Minho habang inilalapag ang bag na dala niya. "Paano ba naman kasi 'yang asawa mo, binibigyan ka ng negative energy!" Turo naman ni Felix sa nakakunot na noo ni Minho at malalalim na eyebags nito. 

 

Minho rolled his eyes. Sanay na kasi siya sa litanya ng kaibigan niya. "Aysus, Felix naman."

 

Hindi naman na pinansin ni Felix ang pag-irap ng mga mata niya at iniabot nalang ang apron nito. "Totoo naman ah? Jusko, Minho! Ang dami daming lalaking nagkakandarapa sa'yo. 'Yung gagong Chan pa talaga napili mo?"

 

Minho winced when he heard how Felix addressed his husband pero kinuha niya pa rin ang apron na inabot nito at isinuot na niya. 

 

"Alam mo naman sagot ko diyan, tinatanong mo pa." He sighed. 

 

Napailing naman si Felix sa sinabi niya knowing damn well na wala siyang magagawa sa sitwasyon na meron si Minho at ang asawa niya. 

 

"Aalis ako next week, pupunta kami ng Singapore ni Jisung. May aayusing papeles." Sabi nalang nito to divert their attention sa walang kwentang asawa ni Minho. 

 

Napakunot ang noo ng binata. "H-Ha? Next week? It's Monday?"

 

Kahit si Felix tuloy ay naguluhan sa sinabi ni Minho. "Anong Monday? Shunga, sabado ngayon!"

 

Napatigil tuloy si Minho sa paglalakad niya papunta sana sa likod ng counter habang inaalala ang mga nangyari kaninang umaga. "Ha? Sabado ba? Eh bakit nagmamadaling umalis si Chan, wala namang pasok ng weekends 'yun?"

 

Felix only rolled his eyes sa kaibigan niyang tila kahit anong gawin niya ay hindi matauhan. He pats himself on the back for the patience he has simula pa lang ng relasyon nina Minho at Chan. "Ayan na nga ba sinasabi ko puro ka Chan, pati kung anong araw ngayon nakakalimutan mo."

 

"He left me early in the morning…" Bulong ni Minho sa sarili niya. 

 

"As if hindi naman niya ginagawa 'yun palagi. Gigising ka ng wala siya, uuwi ka ng wala pa rin. But if you're lucky enough, maabutan mo siya, may kasama nga lang babae." Felix shrugs, sanay na kasi siya sa mga litanya ni Minho na ganyan. 'Yung tipong ang conclusion lang naman niya palagi ay isang walang kwentang asawa si Chan. 

 

Humarap na ito kay Minho and grabbed both of his wrists. "Honestly, Minho. Kaibigan sa kaibigan, why are you still staying?"

 

Tila hindi matitigan ni Minho ang kaibigan niya ng diretso sa mata, bigla tuloy napuno ng kaba ang katawan niya kahit na si Felix lang naman ang nagtatanong sa kanya. 

 

Or maybe it wasn't Felix but his question. 

 

"Mahal ko, Lix. Alam mo 'yan. Wala akong ibang minahal sa buong buhay ko ng higit kay Chan."

 

Tinignan naman siya ni Felix with a knowing look na para bang sinasabi nitong hindi siya naniniwala sa rason ni Minho. "That's it? That's all?"

 

"Well, maybe because there's a bit of hope na baka isang araw gumising ako na mahal niya rin ako."

 

Felix gives up. 

 

"Antayin nalang nating maging rainbow 'yung buwan."
















Another sleepless night. 

 

Minho thought habang nagpapaikot-ikot sa malamig niyang kama. Hindi siya makatulog dahil sa ingay sa kabilang kwarto. 

 

Minsan, hindi niya alam kung sinasadya lang ba talaga ng mga babaeng dinadala ni Chan na lakasan ang boses nila for Minho to know how good Chan fucks them o baka naman it was Chan who tells them na lakasan ang pag-ungol nila everytime na may dinadala siya sa bahay nila. 

 

It's not like it could hurt Minho even more, sanay na siya. Sa loob ng ilang taong pagsasama nila ni Chan, andaming beses na niyang naranasan ang scenario na 'to.

 

Bawat gabi, uuwi ng lasing si Chan kasama ang babaeng ikakama niya na para bang walang Minho sa bahay nila na makakarinig ng kung anong ginagawa nila sa loob ng kwarto ni Chan. 

 

Harder, baby. 

 

Fuck, ayan na naman sila. Napapikit nalang si Minho and sighed on his pillows habang mas lalong nilulunod ang sarili sa unan niya. 

 

Hindi rin nagtagal at hindi na niya kinaya ang ingay mula sa kabilang kwarto and decided to knock on Chan's door ngunit tila para bang walang naririnig si Chan at kung sino mang babaeng kasama nito dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto at mas lalong lumalakas ang ingay nila. 

 

Minho knocks again. 

 

Pero walang nangyari. He sighed, medyo inaantok na nga siya pero inipon pa rin niya ang natitirang lakas niya and knocked once again. "All I'm asking is to tone it down! Chan naman, kahit konting respeto–"

 

Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang bumukas ang pintuan at humarap sa kanya ang topless na Chan na nakakunot ang noo at halatang namumula sa galit.

 

A moment of silence has passed bago magsalita si Chan. 

 

"Respect? For someone who stole my freedom? Talaga ba, Minho? Parang ang kapal naman ata ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan. Hindi ba't ikaw ang sumira ng buhay ko?"

 

Napapikit nalang si Minho sa pagod. It's been a long day at hindi na kinakaya ng katawan niya. He badly wants to sleep and Chan's not helping right now. 

 

"Chan, please. Pagod ako. Don't even try to go there." He pleaded pero walang ibang nagawa si Chan kung hindi tawanan lang siya. "Ah, kapag ako nagsasalita pagod ka? Ganun naman palagi diba? Laging ikaw nasusunod. Laging kagustuhan mo lang 'yung nasusunod."

 

Ramdam ni Minho ang panunubig ng mata niya out of frustration. Mahal niya si Chan, oo. But sometimes, he can be cruel too and Minho doesn't have the patience to deal with him. Gusto lang naman niya ng kahit ilang oras lang na pahinga. Why can't Chan give it to him? 

 

"Chan, gusto ko lang naman makatulog ng payapa at walang ingay."

 

Kahit na nakikita na ni Chan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata ni Minho, hindi niya ito pinansin. "Wala akong pakielam, magdusa ka."

 

Minho looked up at him and Chan could see the evident hurt in his face. But he didn't care because he hates Minho. Sa kwento ng buhay niya, Minho's nothing but a kontrabida. He didn't see him as his husband o kahit kaibigan man lang niya. Nothing but someone who he despises a lot. 

 

"Gusto mo ko diba? Sa lahat ng lalaki diyan, ako pa napili mo. And god, I wish this curse didn't happen. Sana hindi nalang ako ang nagustuhan mo but well, here we are."

 

Minho opened his mouth to say something pero naunahan na siya ni Chan bago pa man din siya magsalita. "Panindigan mo 'to. Mahal mo ko? Gusto mo ko? Pinakasalan mo ko just because you want me? Then fucking be it. Hindi lang ikaw ang sasaya dito, let me have my own fun too."

 

Hindi na nakapagsalita pa si Minho dahil sinaraduhan na siya ng pinto ni Chan. All he could do was to go back to his room and endure another sleepless night and probably hope na sana bukas, magbago na ang ihip ng hangin. 














Nagbago nga ang ihip ng hangin.

 

Para kay Minho.

 

"Lix, I'm thinking of getting a divorce." Bungad ni Minho sa kaibigan niya nang maisuot na niya ang apron niya. Pumasok na naman kasi 'to ng walang maayos na tulog, Felix could see that and it just means na may dinala na namang babae si Chan sa bahay nila. 

 

"Finally! Natauhan ka rin na gago nga talaga si Chan and he's not the guy you once fell in love with. Sabi ko naman sayo eh–"

 

Minho cuts Felix off bago pa siya magsabi ng kung anong gugulo na naman sa isip ni Minho. "Let's not talk about it muna, hm? I'm thinking palang naman eh. Saglit pa muna. Onti pa. Mahal ko pa eh." He wants to take it slowly but surely para kapag dumating na 'yung panahon na handa na siyang bitawan si Chan, sigurado na siyang hindi na siya ulit babalik pa. 

 

Felix could only sigh in relief. "Ikaw bahala but thank god at unti-unti ka na natatauhan."

 

Napa-iling naman si Minho dito pero hindi niya mapigilan ang mga ngiting sumisilay sa labi niya. "Gaga ka talaga."

 

"Anyway, ngayon pala darating 'yung pinsan kong papalit sa'kin." Pagbabago ni Felix sa topic nila kaya naman mas lalong natuwa si Minho sa narinig niya. "Excited na akong maging ninong!" Minho held his fists up in the air out of excitement. 

 

Nabatukan tuloy siya ng marahan ni Felix. "Gaga, mag-aayos kami ng papeles sa ibang bansa. Hindi 'yon honeymoon!"

 

"Basta, bigyan niyo na ako ng maalagaan para hindi puro 'tong bakery iniisip ko." Minho pouts. 

 

Napaisip tuloy saglit si Felix, maybe a little hesitant pero tinanong pa rin niya kay Minho ang kanina pa bumabagabag sa isip niya. "Ayaw mo bang magmahal ulit?"

 

Minho looks at him for a second bago siya sumagot. "Kung hindi si Chan, ayoko."

 

Felix rolled his eyes sa sagot ni Minho sa kanya. "Wooh, onti nalang. Magbabago rin 'yan." Bulong niya sa sarili niya with matching hand gestures pa na para bang pinapakalma niya ang sarili niya. 

 

"What can I do? Mahal ko eh." Napangiti nalang si Minho sa sinabi niya because it's true. No matter how much of an asshole Chan is, wala naman siyang magagawa dahil mahal niya 'to. The ring on his finger holds that promise. 

 

Hindi na nakasagot pa si Felix dahil biglang bumukas ang pintuan ng bakery nila, agad napunta ang atensyon nila dito. 

 

"Tsk. Ayan na ata ang magaling kong pinsan, sakto susunduin na ako ni Jisung mamaya maya." Wika naman ni Felix nang makita ang pamilyar na matangkad na lalaking may blonde hair din katulad ng sa kanya ngunit mas mahaba ito. 

 

Minho thinks na maganda nga talaga ang lahi nila Felix, isang patunay na ang pinsan niya na dumiretso sa counter kung nasaan sina Felix at Minho. 

 

"Minho. Owner ng bakery." Pagpapakilala ni Minho sa binata at itinaas ang kamay para sana makipag-handshake sa pinsan ni Felix. 

 

Halata ang kaba sa itsura ng binata habang maingat niyang tinanggap ang kamay ni Minho. "Hwang Hyunjin po. Hyunjin nalang."

 

Natawa tuloy si Felix sa inaakto ng pinsan niya. "Bait mo ah! Parang hindi totoo."

 

Kahit si Minho ay natawa rin dahil hindi niya inaasahan na ganito ang unang pagkikita nila. It's all supposed to be casual kaya bakit parang takot na takot si Hyunjin sa kanya? 

 

"Kalma, hindi ako nakakatakot. Tanong mo pa sa pinsan mo."

 

"Oo nga, si Minho lang 'yan ano ka ba!" Natatawang wika ni Felix kay Hyunjin na inakbayan naman niya agad to loosen his stiff body na halatang hanggang ngayon may kaba pa rin. 

 

"Halika na nga muna, iikot muna kita dito sa shop para alam mo gagawin mo." Rinig naman ni Minho na wika ni Felix bago nawala ang dalawa sa paningin niya. Saktong naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya kaya kinuha niya ito agad mula sa bulsa niya. 

 

Uwi ka maaga. Pinapapunta tayo ni Mama sa bahay. 

 

He sighed. Nag-text na naman kasi si Chan.




















"Halika na, kanina pa tayo hinahanap. Ang tagal mo." 

 

Isang galit na Chan ang bumungad sa kanya nang makauwi siya galing ng bakery. Hindi naman niya idedeny na nalate siya ng 15 minutes dahil may kailangan pang ayusin sa machine nila, mukhang nasaktuhan kasi at nasira. Buti na lamang at nandoon sina Felix at Hyunjin upang ayusin ang machine but if it didn't work, mukhang kailangan na nilang magtawag ng gagawa nito. 

 

"Teka lang, Chan. Hindi pa ako nakakapagready, kakagaling ko lang ng bakery." A stressed Minho says, kanina pa siya aligaga dahil nga sa message ni Chan at sa nangyari sa bakery. 

 

Hindi naman ito pinansin ni Chan at tumayo nalang mula sa couch na kinauupuan niya. Even though he can cleary see the stain in Minho's shirt at ang pamamawis ng noo nito, indicating how stressed he is ay wala naman siyang pakielam. It has always been like that. 

 

"Sasama ka ba o ano? Kanina pa tayo hinihintay doon. Kung sana umuwi ka ng maaga edi sana nakapagayos ka pa."

 

Aakyat na sana si Minho sa kwarto niya pero mukhang pagod na rin siya at ayaw na niyang makipagtalo kay Chan so he just gives up. "Let's just go. I don't wanna deal with this anymore."

 

"Para namang gusto ko 'tong sitwasyon na 'to." Bulong naman ni Chan sa sarii niya bago sila lumabas at sumakay sa kotse nito. 

 

Habang nasa byahe, hindi naman maiwasan ni Minho na mapa-isip. What would’ve happen if kept his feelings to himself? Ano kayang mangyayari kung hindi niya sinabi sa magulang niya na gusto niya si Chan?

 

They were the best of friends. If Minho could remember it properly. Kaya nga niya nagustuhan si Chan diba? Because he's that friend na matatakbuhan ni Minho kahit anong oras o panahon, laging andyan si Chan para sa kanya. 

 

Hindi naman kasi ganito dati. Believe or not, Chan was the sweetest friend Minho could ever have in his life. The reason why he fell in love with him in the first place. 

 

Kaya ngayon, he held his heart with full regrets kung bakit isang araw inamin nalang niya sa magulang niya na gusto niya si Chan and them agreeing with the idea of letting him marry his friend. 

 

"Minho! Why did you call me? Suddenly may dinner na tayo, buti nalang hindi kami kumain ng barkada ko sa tusok-tusok dun sa kanto–"

 

"Chan, upo ka." Halos manginig si Chan sa lamig ng boses ni Minho, ni hindi man lang siya makatingin ng diretso dito na para bang may ginawa siyang kasalanan kay Chan. 

 

Chan tried to laugh it off. Baka kasi pinaprank lang siya ni Minho pero sa isang banda, mas lalo lang din siyang kinabahan because Minho wouldn't do that. Absolutely not in front of his parents. Or in this case, their parents. "Bakit ang seryoso mo? Tsaka bakit andito sina mama at papa?"

 

Bago pa man masagot ni Minho ang tanong ni Chan, agad na niyang narinig magsalita ang Mama ni Minho. 

 

"Both of you are getting married!" 

 

Natawa naman si Chan sa sinabi ng Mama ni Minho because clearly this is a joke. They're not getting married. Sure, he loves his bestfriend and he's definitely sure that Minho's gonna be a great husband but no, not to him. Not to Chan. Never. 

 

"H-Ha? This must be a joke, right?" He chuckles nervously. 

 

Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya nang wala siyang ibang marinig kung hindi katahimikan, ang tanging nararamdaman niya lang ang matatalas na tingin ng mga magulang nila. 

 

And Minho who was trying his best to suppress his cries. 

 

"M-Min.. Diba?" He tried to look for it. For something. 

 

For Minho to tell him na 'Yes, Chan, it's all a joke. We're not really getting married! Ano ka ba, nagbibiro lang sila Mama.'

 

But no, he was faced by Minho who finally looked up at him with his glossy eyes. "N-No, Chan. I love you.."

 

"You agreed to this? With them?" And with Minho nodding, Chan finds himself slowly stuck with a realization. 

 

This isn't the Minho he knows. 

 

This isn't his bestfriend anymore. The Minho he knows wouldn't betray him like this. 

 

Nawala nalang si Minho sa naiisip niya nang biglang huminto ang sasakyan. Chan didn't even bother to open the door for him at dumiretso na sa pintuan ng bahay nila, it's not like he expected him to. Naalala lang niya noon how Chan would always do it for him. Noong kaibigan pa ang tingin ni Chan sa kanya. He shook his head on his way sa pintuan ng bahay nila Chan kung saan naghihintay ang binata. That was all in the past. 

 

And Minho knows for a fact na kahit kailan, hindi na niya maibabalik ang nasirang pagkakaibigan nila just because he was selfish. 

 

Too selfish dahil lang gusto niyang mahalin si Chan. 

 

"Tatayo ka lang ba diyan at wala kang balak pumasok?" Ang naiiritang boses ni Chan ang bumungad sa kanya. Ah, yes. The Chan he knows and loves. Napangiti nalang siya. Sanay naman na siya sa ganito, walang pinagbago.

 

"Ayan, dumating na rin ang dalawang anak ko! Upo na kayo, hindi na nakapag-intay ang iba dahil nagugutom na raw sila." Bati ng nanay ni Chan nang makarating sila sa bahay nito, agad na bumungad sa kanila ang kumpletong pamilya ni Chan at para bang sinasabing sila nalang ang kulang. Kahit ang girlfriend ng kapatid ni Chan, dala niya rin which meant that this family dinner must be important for his parents. 

 

"It's okay po, Mama." Sagot naman ni Minho dito, he even gave her a genuine smile.

 

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang nanay ni Chan at inaya na sila kumain pagkatapos nilang hubarin ang mga sapatos niya. Kitang kita ni Minho kung gaano kasaya ang Mama ni Chan dahil kumpleto na ulit sila. Naguumapaw na nga ang mga plato sa lamesa and he could tell na lahat ito home cooked, probably niluto ng Mama ni Chan para sa kanila. 

 

"How are you and Chan?" Nabasag naman ang iniisip niya ng biglang silang tanungin ng Mama ni Chan. If he were the old Minho, he would've talked and talked endlessly about their married life and would create these impromptu scenarios as if he wasn't dreaming about it last night. As if everything was real. He would tell them how great of a husband Chan was and how well he's been taking care of Minho. 

 

If you call going home late, never acknowledging Minho, and, taking girls and fucking them as how well Chan's been taking care of Minho well then that's it. 

 

Yes, he did have to lie but it's okay, he's living these fantasies in front of them and for a moment, he could indulge in this little happiness of his and the thought that he really did have a great married life with Chan. It was enough for Minho. If he had to settle with that just for a chance to love Chan then he would. 

 

But in that moment, nakaramdam siya na parang may nakabara sa lalamunan niya, refraining him from talking. It was as if his brain wasn't cooperating too, hindi rin ito makaisip ng scenarios na pwede niyang ikwento sa Mama ni Chan to fool them that they're having a great life. To fool everyone that their decision was right. To fool everyone that the marriage was the best thing that happened to them.

 

"Great! Things are going great for us, Ma." Chan said when he felt like Minho wouldn't say anything. Nakahinga ng maluwag si Minho dahil nakaramdam si Chan kahit papaano, he even gave him a small smile na para bang totoo ang lahat. Na para bang totoo ang sinabi niya. Na para bang may ibig sabihin 'to. 

 

Tumango naman ang Papa ni Chan sa narinig niya habang patuloy lang sa pagsasalita ang Mama nito, if Minho was too distracted, hindi niya mapapansin ang malaking ngiti nito sa labi niya habang patuloy niyang tinititigan ang mga anak niya. Her stares lingered a bit on Chan and Minho bago ito magsalita muli. "That's good to know. Buti naman the marriage has been treating both of you well. Lalo na si Minho, nako kapag nalaman kong sinaktan mo 'yan, malalagot ka sa'kin Chan."

 

"Ma naman, you know I'd never do that. Mahal na mahal ko 'tong si Minho."

 

Ayan na naman ang pakiramdam ni Minho na para bang tinutusok ng paulit-ulit ang dibdib niya. 

 

Napalakas ang paghiwa ni Minho sa meat sa plato niya, kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ng mga mata nila sa lakas ng pagtama ng kubyertos niya sa plato. 

 

He felt Chan's hand on his thigh, gripping it lightly as if saying na he shouldn't be acting up right now. But the thing is, he isn't. Chan knows for a fact na dito magaling si Minho. Magkunwari. Lalo na sa harap ng pamilya nila kaya why would Minho purposely do it? 

 

He wouldn't. He knows that. Hindi niya lang alam kung bakit parang wala siya sa sarili niya ngayon. Iniisip niya kung kailan ba sila makakauwi ni Chan at baka dahil sa pagod lang kaya siguro hindi siya masyadong madaldal sa family dinner nila. 

 

And as if naririnig ng lahat ang iniisip niya, biglang nagsalita ang nanay ni Chan. "Why don't you guys spend the night here? Gabi na rin at delikado na magdrive. Pwede naman kayo magstay sa dating kwarto ni Chan."

 

He quickly shook his head. It can't be. Shoving them both in a room, alone , is a bad idea. Hindi dapat. Hindi naman kasi dapat. "Ah, no–"

 

But before he could protest, sumagot na agad si Chan with all smiles. "Sure, Ma. We'll be staying here for the night."





You see, if this is the old Minho. He would've died out of excitement. Finally, kahit for a night, matutupad na rin ang pangarap niyang makatabi si Chan sa kama. Kahit kasi sa bahay nila, halos ginawa na ni Chan na sariling kwarto niya ang guestroom nila, leaving Minho all alone in their own room. Simula kasi ng sabihin ng parents nila na ikakasal na sila, agad na lumayo sa kanya si Chan. He couldn't even remember the last time na nahawakan niya ang asawa niya for more than 30 seconds. 

 

But then again, that was the old Minho. The Minho right now would rather just go home and sleep alone in his own bed. He didn't mind that it was too cold for his liking. As long as walang bumabagabag sa kanya with Chan being this close to him. 



"Alam mong may nililigawan ako! Alam mong gusto ko si Ryujin but you had to do this? You had to betray me, Minho?!" Sigaw naman ni Chan pagkatapos ng dinner at ang announcement na ikakasal na sila. 

 

Naninibago si Minho sa Chan na nasa harapan niya ngayon. Hindi naman kasi siya sisigawan ni Chan ng ganito. Hindi siya sanay na ganito kalakas at kapait ang tono ng boses ng kaibigan niya. 

 

"Chan, hindi naman 'yun ang intensyon ko. Sadyang naisip lang ng parents natin na it would be better na magpakasal tayo." He tries to reason out. 

 

Natawa naman si Chan dito. Ramdam ni Minho na peke at puno ng pait ito. "Ah, as if hindi pabor sa'yo 'yun?!"

 

"Chan, it's not like that."

 

"It is, Minho! 'Wag mo na akong lokohin pa! I've had enough of this. Hindi ko akalaing gagawin sa'kin 'to ng bestfriend ko." Chan cries out dahil wala naman siyang magagawa. 

 

Ang saya ni Minho kanina ay napalitan ng pagsisisi. 

 

Lalo na kung nakikita niya si Chan na ganito. 

 

Nanghihina. Umiiyak. Walang kalaban-laban. 

 

"You know how much I love Ryujin. Why would you do this to me…" Pinunasan ni Chan ang tumutulong luha sa pisnge niya. 

 

Bigla namang bumigat ang dibdib ni Minho sa narinig niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag narinig mo na mismo sa taong mahal mo na may mahal siyang iba. 

 

Na lahat kaya niyang gawin para sa taong mahal niya. 

 

Gaya ng ginawa ni Minho. 

 

"But I love you. I love you so much." sambit niya dito habang patuloy na pinapanood si Chan na umiyak. "Hindi ko kayang mawala ka sa'kin." 

 

"Wala naman sa'kin kung mahal mo ako pero alam mong may gusto akong iba. Bakit mo sa'kin ginawa 'to…" 




"I-I don't have any clothes na dala." Saka lang narealize 'to ni Minho nang makarating na sila sa kwarto ni Chan. He stood there in the middle of Chan's room habang tinatanggal na ni Chan ang shirt niya. 

 

"I have spare ones sa may cabinet, pumili ka nalang kung anong gusto mo don." Turo nito sa malaking cabinet na puno ng gamit niya and Minho remembers everything clearly. They used to hangout here all the time anyway. 

 

Bago pa man mapunta ang utak ni Minho kung saan, agad na niyang napansin ang damit ni Chan na nakasampay sa hook malapit sa banyo. "Alright, thanks. Mauuna ka na ba maligo?"

 

Chan nods at pumasok na sa banyo sa loob ng kwarto niya. "Yeah, maghanap ka na muna ng damit diyan." He says before closing the door and turning on the shower. 

 

There was that fear lingering in Minho's fingertips as it glided through the cabinet doors. Para bang estranghero si Minho sa loob ng kwarto ni Chan na may ginagawang masama, it's not a crime to borrow Chan's clothes but why does Minho feel like it? 

 

Maybe it was the feeling of familiarity that he didn't like, after all mag-bestfriends naman sila. Minho used to know what Chan kept in his cabinet. What his favorite clothes are and even the things he hid there para lang hindi sila pagalitan ng nanay ni Chan. 

 

Minho used to know everything about Chan and maybe that's why he hated this feeling right now because he no longer knows Chan. 

 

He holds the handle of the cabinet with his trembling fingers, andyan na naman ulit ang pakiramdam na parang nilulunod siya simula sa lalamunan niya. Nagulat nalang siya nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone niya. He sighed, there's an upcoming call. 

 

He picked it up nang makita niya kung sinong tumawag, it's Hyunjin. Agad siyang pumunta sa balcony ng kwarto ni Chan dahil mas maganda ang signal doon. 

 

Hindi na napansin ni Minho na tumatakbo ang oras at mukhang inabot na rin ng 30 minutes ang pag-uusap nila ni Hyunjin sa telepono. 

 

"Doon sa table ko may inipit akong papel, andoon ata 'yung details." Nakarinig pa siya ng ilang kaluskos bago nahanap ni Hyunjin ang papel na pinapahanap ni Minho. 

 

"Hay nako, bakit ba kasi ngayon dumating 'yung maglilinis ng machine? Napaka-hassle tuloy at wala ako." Dagdag pa nito nang marinig si Hyunjin na nakikipagusap na nagaayos ng machine nila. Madalas na kasing tinotopak ang coffee machines nila, panahon na siguro para bumili sila ng bago. 

 

He didn't know na nagsasalita na pala si Hyunjin basta narinig lang niya na kayang kaya naman ito ng binata kaya naman sumagot na rin siya. "Yeah, I know. Kaya mo naman but it would've been better if andyan sana ako. First time mo pa man din sa trabaho mo ayan na agad ginagawa mo."

 

Hyunjin assured him that it's okay. 

 

"Oh, 'wag mo ko isumbong kay Felix ha!" Minho laughs at tuluyan nang nakipagkwentuhan kay Hyunjin habang inaantay na matapos maligo si Chan. 

 

Napatagal ata ang paguusap nila kung kaya't naabutan na siya ng asawa niya. 

 

"Sinong kausap mo?"

 

Napatalon naman si Minho nang marinig ang boses ni Chan. "Oh, it's nothing. Tapos ka na ba maligo?"

 

"Yup. Mainit na din 'yung tubig sa tub mo." Sagot ni Chan. Pansin rin niyang dahan-dahang binababa ni Minho ang phone niya na para bang ayaw nitong makita ni Chan kung sino ang kausap niya. 

 

"Okay, I'll hang up na." Sabi naman niya dito at tumalikod na, inilapit niya muli ang telepono niya sa tenga niya. 

 

"See you soon, Hyunjin! Ikaw na bahala diyan ah."

 

"H-Hyunjin?" Bulong ni Chan sa sarili niya pagkatapos marinig ang isang unfamiliar na pangalan coming from Minho's mouth. 

 

He's not sure kung narinig ba siya ni Minho dahil pinanood niya lang naman itong naglakad ng dire-diretso at nilagpasan siya papunta sa banyo, he kept in mind na mukhang hindi pa nakakakuha ng damit pampalit si Minho. Siya nalang ang pipili ng damit mula sa cabinet niya para ready na ito pagkatapos ni Minho maligo. 

 

At kung tinanong ni Chan kung sino si Hyunjin kay Jisung na walang malay sa kung anong nangyayari sa buhay ni Minho then no one has to know. He was just curious. That's it. 

 

At kung nakaramdam man siya ng parang may umaapoy  sa loob ng tiyan niya paakyat sa lalamunan niya ng sabihin ni Jisung na wala siyang ibang kilalang Hyunjin kung hindi ang pinsan siya ni Felix then again, no one has to know. 

 

Even if naguguluhan siya sa pakiramdam na 'to. 






At kahit ilang linggo na ang lumipas, bumabagabag pa rin ang sinabi ni Jisung sa kanya noong gabing 'yun. Hindi rin naman nagkkwento sa kanya si Minho probably because he never initiated a conversation in the first place kaya hindi niya rin matanong kung sino si Hyunjin sa buhay niya. 

 

Wala rin namang ibang magawa si Chan kaya out of desperation, bumisita siya sa bakery ni Minho. Something he hadn't done in a few years. 

 

Kung hindi pa siya bibisita ngayon, hindi pa niya marerealize na it's been years since he last saw Minho's bakery. Bago kasi niya pakasalan 'to, he knew that this was Minho's life. He loved being in the bakery, gusto niyang nagluluto at nagbabake. He loved serving people and seeing their satisfied smiles kapag natitikman nila ang luto ni Minho. 

 

He may be an asshole pero kilala naman niya ang asawa niya, maybe it's not much but he still knows his husband. He used to be his bestfriend after all.

 

Pagkabukas niya ng pintuan, bumungad sa kanya ang boses ni Minho mula sa likod ng counter. 

 

"Hyune! Sabi ko Iced Americano hindi Matcha Latte!" Natatawang sambit ni Minho habang hawak-hawak ang cup na mukhang bagong bigay lang ng isang matangkad na lalaki na kasama niya. 

 

"Who says it's for a customer? Para sa'yo 'yan, take a break naman kasi!" Sagot nito, probably the Hyunjin he was referring to and if Chan could put it all correctly, siya rin ang Hyunjin na kausap ni Minho sa telepono noong isang araw. 

 

"Whoa, how did you know I love Matcha Lattes?" Tanong naman ng nagulat na Minho. 

 

Hyunjin shrugged his shoulders. "Feel ko lang na you're that type of person."

 

Lumawak naman ang ngiti sa labi ni Minho."Hula ko, you like matcha too?"

 

"Maybe that's the real reason." Hindi na nila mapigilan na matawa sa pakulo nilang dalawa. Akala kasi Minho ay para sa customer ang ginagawang drink ni Hyunjin, hindi naman niya inaasahang para sa kanya pala. 

 

"Well then saluhan mo na ako, sa'yo na rin 'tong drink na ginawa ko." He offered the drink na kakatapos niya lang gawin. 

 

Kukunin na sana ni Hyunjin ang kape na hawak ni Minho nang biglang may nagsalita sa counter. 

 

"What a cute couple. Kayo ang owner ng bakery na 'to?"

 

Nagulat sila nang marinig nila ang isang matandang babae na nagsalita, probably customer na hindi nila napansin. 

 

Agad na lumaki ang mga mata ng dalawa na hindi inaasahan ang narinig nila. Unang nagsalita si Hyunjin. 

 

"Ah, hindi po-"

 

But before he could even complete his sentence, nakarinig ulit sila ng isa pang boses but this time, pamilyar na ito. Lalo na kay Minho. 

 

"That's my husband." Malamig na sambit ni Chan, ramdam din ni Minho ang mabigat na tingin nito. Hindi niya alam kung kay Hyunjin o sa kanya. O baka sa kanilang dalawa. 

 

"Ay, pasensya na, iho. Hindi ko alam." sabi naman ng matanda. Nginitian lang siya ni Chan bago ito humarap kay Minho at naging abala naman si Hyunjin na kunin ang order ng matanda. 

 

"Babe, pinapasundo ka ni Mama. Lunch daw tayo kasama sila." Chan says na ikinagulat naman ni Minho, hindi niya kasi inaasahan na pupunta pa si Chan dito para lang sunduin siya. Ni hindi nga niya maalala ang huling beses na bumisita rito si Chan. 

 

At hindi niya rin inaasahan ang biglaang lunch kasama ang pamilya ni Chan. Usually kasi nagsasabi naman sila a week before para makapagready ang mag-asawa. Hindi niya tuloy alam kung may okasyon ba siyang nakaligtaan. 

 

"Agad-agad? Wala naman silang text sa'kin ha?" Sagot naman ni Minho rito, kinuha pa niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya para icheck pero wala talagang message na kahit ano. 

 

Napa- tsk nalang si Chan, he was getting impatient and Minho could sense it. Mukhang importante 'tong biglaang lunch. "Halika na, 'wag na natin sila pagintayin pa."

 

Nagpanic naman siya ng slight, hindi niya kasi alam kung kakayanin ba ni Hyunjin na mag-isa lang sa shop. "Teka, uhm, Hyunjin–"

 

"Kaya ko na, sige na." Hyunjin reassures him. Magtatanong pa sana ulit siya but he saw that genuine smile na nagsasabing kaya naman na talaga ni Hyunjin. 

 

"Message mo ko ha!" sabi nalang niya. 

 

"Got it. Enjoy!" Hyunjin waved goodbye bago siya umalis sa bakery kasama si Chan. 

 

Hindi naman maintindihan ni Minho kung bakit parang hindi mapakali si Chan habang nagddrive, hindi rin naman niya matanong dahil baka mainis lang ang asawa niya kaya nanahimik nalang siya sa kinauupuan niya at binigyang pansin ang tanawin sa bintana ng passenger seat. 

 

"Sino 'yung kasama mo sa shop? Bagong mukha?" Pagbasag ni Chan ng katahimikan.

 

"Ah oo, pinsan ni Felix." So, Jisung’s right? Chan thought. "Asan ba si Felix?"

 

"He's with Jisung. Nasa Singapore sila kaya siya muna pumalit. Don't worry, okay naman 'yung business. Maayos naman magtrabaho si Hyunjin at naiiwanan din sa shop." Sabi ni Minho dito, nagtaka pa nga siya kung bakit hindi alam ni Chan eh magkaibigan naman sila ni Jisung. 

 

"Matagal siya diyan?" Tanong pa ulit nito. 

 

Minho nods. "Sabi ni Felix isang linggo lang naman daw pero balak ko siyang ipromote. I'm sure Felix wants to have his own life with Jisung too."

 

"Ah, so magkakasama kayo ng mas matagal sa bakery?" Hindi alam ni Minho kung guni-guni lang ba niya o nakita niya talagang umigting ang panga ni Chan but either way, he brushed it off. 

 

"Ganun na nga." He responds at binaling na ulit ang atensyon sa tanawin sa labas. 

 

"Interesting." Chan mumbles. 

 

At natigil na nga ang pag-uusapan nila. Walang may gustong magsalita. Hindi naman na 'to bago sa kanila but sometimes, Minho couldn't help but miss the way they were before. Noong magkaibigan pa sila at hindi sila nauubusan ng makkwento sa isa't isa. Gusto tuloy bumalik ni Minho sa mga panahon na kaibigan pa niya si Chan and not the husband he is right now. Iba na kasi 'yung Chan na kaharap niya ngayon but then, he's the one to blame naman, diba?

 

Buti nalang talaga at nakarating na sila agad sa korean restaurant kaya naputol na ang pagsesenti ni Minho. 

 

"S-Shit, ano, next week nalang daw pala. May kailangan unahin sila Mama." Nauutal na sabi ni Chan habang tinatanggal ang seatbelt nito. Hindi naman alam ni Minho kung bakit niya kailangan gawin 'yun eh hindi naman sila bababa. Hindi naman na tuloy 'yung lunch diba? 

 

"Ah, ganun ba? Sige, dito nalang ako bababa. I'll take the cab pabalik sa shop." Sagot nalang niya at tinanggal na rin ang seatbelt niya. He was about to open the door when he heard Chan speak. 

 

"Hindi na, andito na rin naman tayo. Let's have lunch."

 

Napahinto siya sa kinauupuan niya. Hindi siya makapaniwalang narinig niya 'yun mula kay Chan.

 

"What?" He couldn't believe na gugustuhin ni Chan na makasama siyang kumain ng lunch. As far as he knows, kontrabida siya sa buhay ni Chan. Wouldn't having lunch with him annoy him or something? Baka nga mairita lang siya kay Minho eh. 

 

"Nagugutom na ako, tara na. 'Wag ka na magreklamo." Sabi nalang ni Chan without any explanation at mukhang nagmamadali na rin siyang kumain dahil lumabas na siya ng sasakyan at nagdire-diretso na sa loob ng restaurant. 

 

"Uh, sige?" Minho says to himself. He's still shock sa kung anong nangyari pero lumabas na rin siya ng sasakyan at sinundan si Chan sa loob.

 

Natagpuan niyang nagluluto na ang asawa niya sa loob, kakaunti lang rin ang tao kaya siguro mabilis ang serving time nila at nakapagbigay na agad ng meat kay Chan. 

 

Umupo nalang siya sa tapat ni Chan at agad inagaw ang tongs na hawak nito. "Ako na, Chan. Baka masunog mo pa."

 

Chan let him cook the meat kasi sa kanilang dalawa, mas magaling naman talagang magluto si Minho, hindi mapapagkaila ni Chan 'yun. Lalo na kung hindi niya kailangan mabuhay sa pancit canton noon dahil nandyan si Minho palagi para lutuan siya ng makakain niya pero noon 'yun noong magkaibigan pa sila. 

 

After what happened, he swore to never eat anything that Minho cooks again.

 

"W-Why are you putting meat on my plate?" Mahinang tanong naman ni Minho habang pinuputol ang ibang meat na nakasalang gamit ang gunting. 

 

Hindi tuloy napansin ni Chan na he was unconsciously doing it. 

 

"This lunch is for us, not just for me. Tsaka, ikaw na nga nagluluto. That's the least I could do." Sabi niya habang patuloy na nilalagyan ng meat ang plato ni Minho. 

 

"Oh, uhm, okay? Thanks?" Sagot nalang ni Minho, nauutal pa nga siya dahil hindi naman niya alam kung anong dapat sabihin niya. Hindi rin naman kasi siya sanay na ganito si Chan sa kanya. 

 

"Kumain ka na, ako na magbabantay sa meat." He grabbed the scissors from Minho's hand para makakain naman ito. 

 

"Uh, o-osige?" Mukhang hindi pa sigurado si Minho sa tono niya pero mukhang hindi naman siya napansin ni Chan. 

 

"Try this, masarap 'yung steamed egg nila." He heard Chan say habang nginunguya na niya ang meat na naluto na. Sa lasa pa lang, mukhang mahal na.

 

Tumambad naman sa harap niya ang sinasabi ni Chan na masarap na steamed egg, hindi pa niya 'to natitikman kaya excited siyang isabay ito sa meat na kinakain niya but before he could even take a scoop out of the pipping hot bowl, bigla naman siyang inabutan ni Chan ng isa pang side dish. 

 

"Did you taste the fishcake na ba? I don't know if you'll like it but it's good."

 

"Okay lang naman ako, Chan. Don't worry. Ikaw ang kumain diyan. Ikaw ang nagugutom diba?" Minho stops him before Chan puts everything on his plate. Kaya naman ni Minho kumuha ng side dish na gusto niya, Chan didn't have to do all of that. 

 

Napirme naman si Chan sa kinauupuan niya. 

 

"K-Kamusta ka?" Tanong nito. 

 

Muntik nang maduwal si Minho sa narinig niya. "A-Ano? Ano 'yung sinabi mo?"

 

"I was just asking kung kamusta ka na." Kaswal na sagot ni Chan habang kumakain. 

 

Minho cleared his throat. Oo nga naman, normal naman 'yun diba? Normal naman na kamustahin siya ni Chan. He shouldn't act as if it's something new. "G-Good? The bakery's going well. Dapat pala matagal na kaming nagdagdag ni Felix ng staff dahil mas magaan ang trabaho ngayon, hindi ako masyadong napapagod."

 

Hindi niya mapigilang hindi mapansin na bahagyang kumunot ang noo ni Chan sa sinabi niya. "Bakit napapagod ka ba ng sobra noon?"

 

"Oo, that's why Hyunjin's a great help. Kahit papaano, may maiiwanan ako sa shop kapag wala kami parehas ni Felix."

 

Chan shook his head. Puro nalang Hyunjin. 


















"Alam mo, umamin ka na kasi para hindi ka nahihirapan." Jisung groaned sa speakers ng cellphone ni Chan. Kanina pa kasi siya nakikinig sa walang sawang rants ni Chan tungkol sa asawa niya. Pagkauwi nito galing sa lunch nila ni Minho, agad nitong tinawagan si Jisung para ikwento ang nangyari at magrant ng magrant. 

 

"Paano? Ni hindi nga niya ako pinapansin. Laging wala sa bahay, tapos hindi niya rin ako nilulutuan ng breakfast. Alam mo bang may isang gabi na hindi ako natulog because I was hoping na he'd cook me breakfast and we can talk things out but it never happened." Chan buried his face sa unan na hawak niya ngayon. Mula sa screen, kita ni Jisung kung gaano nahihirapan ang kaibigan niya.

 

Minsan kasi, hindi rin niya maintindihan kung bakit ayaw pang umamin ni Chan kay Minho as if he would lose something eh alam naman niya sa sarili niyang mahal naman siya ni Minho, umpisa pa lang. 

 

"Lumalayo?" Chan nods at Jisung's question. "Siguro. But I can't blame him naman. I've been an asshole."

 

"You totally are! Kung hindi ako sinabihan ni Felix baka walang kakatok diyan sa utak mo!" Sabi naman ni Jisung sa kanya and he admits na tama naman ang kaibigan niya, wala siyang angal doon.

 

"Jisung, what would I do?"

 

He sighed before listening intently sa kung ano mang lalabas sa bibig ng kaibigan niya.























Kanina pa nagpapabalik-balik si Minho sa kusina at sala. Nakaupo kasi si Chan sa couch habang nanonood ng TV, nakatalikod siya kay Minho kaya hindi niya nakikitang kanina pa 'to hindi mapakali at kinakabahan. 

 

Hindi niya kasi alam kung paano niya sasabihin kay Chan na kailangan na naman nilang magpanggap dahil dumating ang pinsan niya mula sa ibang bansa.

 

And in this case, matagal-tagal ito dahil magsstay more than 1 week ang pinsan niya. Minho closed his eyes and took a deep breath. Pwede pa rin naman niyang idahilan na may business trip si Chan kung saan kaya naman hindi siya makadalo sa family gathering nila kung sakaling hindi pumayag si Chan. 

 

Nilakasan niya ang loob niya at dumiretso na sa sala. Lumapit siya kay Chan at umupo na rin sa kabilang parte ng couch kung saan malayo sa asawa niya. 

 

He cleared his throat before speaking. 

 

"Dumating 'yung mga pinsan ko galing ibang bansa. We will probably stay sa rest house nila Dad sa Laguna habang nandito sila. It's for a week lang siguro, or if we're lucky then maybe 3 days lang?"

 

Agad namang nalipat ang atensyon ni Chan kay Minho mula sa pinapanood nito. He shifted his position para nakikita niya ang asawa niya. 

 

Lalong bumibigat ang kabog ng dibdib ni Minho sa bawat segundong hindi nagsasalita si Chan, hindi kasi niya alam kung anong sasabihin nito. Mamaya, magalit pa siya kay Minho. 

 

Pero laking gulat niya ng bigla siyang nginitian ni Chan. 

 

"That's alright for me."

 

"Uh? A-Ano?"

 

Tila naguluhan siya sa sinabi nito, lalo na noong nakita niyang pinatay ni Chan ang palabas na pinapanood niya sa TV. 

 

"Sabi ko, okay lang naman. Magiimpake na ba?" Malumanay na sabi ni Chan kaya naman mas lalong naguluhan si Minho sa inaakto at sinasabi niya. He wasn't used to this kind of Chan. 

 

"Uh, yeah. Sure?" he says even if he isn't sure himself kung asawa nga ba talaga niya ang nasa harap niya ngayon. 

 

"Bakit parang hindi ka pa sigurado? Hindi pa ba tayo aalis?" kaswal na tanong ni Chan sa kanya, he seems so unbothered by it kaya naman mas lalong nabobother si Minho dito. 

 

Umayos siya ng upo and composed himself. "No, actually, we have to go in 3 hours."

 

"Okay, I'll get ready na." Chan says bago siya iwanan sa couch. 

 

Napahinga naman ng malalim si Minho, he didn't know na he's holding his breath na pala. Hindi rin niya alam kung anong meron kay Chan ngayon but he's glad na it turns out this way. 

 

Masaya siyang nakikisama sa kanya si Chan at hindi na niya kailangan pang makipagaway ng isang oras just to convince him na samahan siya sa family gathering nila. 




Narating naman sila agad sa Laguna without any fuss. Minho thinks na everything will be okay dahil wala namang kahit anong sign na malapit na magtantrums ang asawa niya, in fact he's been very easy on him nga. Siya pa ang nagoffer na magdrive para sa kanilang dalawa, he also carried Minho's bag while they were putting their luggage sa likod ng sasakyan. 

 

And now, he's opening the car door for Minho nang makarating sila sa parking lot ng Enchanted Kingdom.

 

Nagulat man siya, hindi nalang rin niya pinahalata because he's sure na pakulo lang naman 'to ni Chan. It doesn't mean anything dahil malamang, nasa harap sila ng relatives ni Minho. Of course, kailangan niyang umakto na para talagang asawa kay Minho. 

 

"Changbin!" Sigaw naman ni Minho nang makalabas siya ng sasakyan. Bumungad sa kanya ang pinsan niyang matagal na niyang hindi nakikita. 

 

"I missed you, Minho!" Yakap naman nito pabalik sa kanya. They all decided na pumunta munang Enchanted Kingdom bago dumiretso sa rest house nila Minho so they can have their own fun bago sila mamahinga doon kasama ang ibang matatanda. 

 

Hindi naman nagawang pansinin ni Changbin ang asawa ni Minho na umaaligid sa likod nito. Minho understands Changbin's reasons. Pare-parehas lang naman sila ng sinasabi ni Felix eh. Gago si Chan. That's it. 

 

Minho let it slide. Mukhang wala rin namang pakielam si Chan if his cousin would greet him or not. He's just here for the real show anyway aka mamaya sa dinner nila kasama ang buong pamilya ni Minho. 

 

"Ano? Tara na? Let's explore EK?" Minho nods excitedly sa tanong ni Changbin sa kanya at agad na nilang nilibot ang buong Enchanted Kingdom. 

 

Hindi na nga halos napansin ni Minho ang asawa niya sa likod because he was so distracted by Changbin's fascinating stories sa buhay niya sa ibang bansa kasabay ang pagsakay nila sa iba't ibang rides. Inaaya na nga nitong sumunod na si Minho pero sabi lang niya na pagiisipan niya muna. 

 

They had so much fun na nakalimutan nilang malapit na pala dumilim at buti nalang nandyan si Chan para ipaalala sa kanila. 

 

Somehow, Minho feels bad kasi mukhang out of place si Chan sa bonding nila ni Changbin but then wala naman siyang naririnig na complains kaya hinayaan nalang niya. 

 

Their last stop was at the claw machine. 

 

"Bin, 'yung malaking pusit! Gusto ko 'yun please?" Chan could see how Minho's eyes shine nang makita niya ang malaking squid stuff toy na kulay pink sa isang claw machine na nadaanan nila. 

 

Tinuro pa nga niya ito habang nasa likod ni Changbin which Chan found very cute of him para kasi siyang batang naghihintay na makuha 'yung laruan na gusto niya. 

 

"Teka, akong bahala sayo." Lalong lumaki ang ngiti ni Minho nang marinig niya ito mula kay Changbin. Hindi rin nagtagal at ipinasok na ni Changbin ang token sa machine. Pansin ni Chan na tutok na tutok si Minho sa paglalaro ni Changbin, it just means na gusto niya talagang makuha nito ang stuff toy na ipinangako sa kanya ni Changbin. 

 

Chan watched it closely too lalo na noong nakuha na ng claw ng machine ang squid stuff toy na inaasam ni Minho. The latter crossed his fingers and hoped na it won't slide off at buti nalang talaga umayon sa kanila ang tadhana and Minho got the toy he wanted. 

 

Masaya si Changbin nang ibinigay niya ito pero mas masaya si Minho dito, kitang kita ni Chan kung paanong lumawak ang ngiti niya nang mahawakan niya ang stuff toy. 

 

"Thank you! Waah, so fluffy!" He hugged it tightly na para bang takot siyang may mang-agaw nito. Chan looked at the way Changbin stares at Minho then he glanced at Minho too. Somehow, biglang nanlabo ang paningin niya at tanging nakikita niya lang ay si Minho. Ni hindi nga niya maaninag nang maayos si Changbin na nasa gilid lang nito o ang mga batang naglalaro sa kalapit na claw machines. He couldn't see anything but Minho and Minho only. 

 

Nakita niya kung paano lumiwanag ang paligid dahil sa mga ngiti ni Minho. He begins to wonder if it has always been like this. Ganito ba talaga si Minho at ang mga ngiti niya? Sure, when they were younger sobrang captivating na talaga ng mga ngiti ni Minho but he didn't know its intensity up until now. Pakiramdam niya malalagutan siya ng hininga sa bawat segundong pinagmamasdan niya ang mga ngiti ni Minho. 

 

He wondered when was the last time he saw him smile like this or if he even smiles like this anymore. Palagi niya kasing nakikitang nakakunot ang noo nito kapag umuuwi siya sa bahay nila. It makes him want to change that. 

 

Shit. What was he thinking?

 

He shook his head. Hindi dapat siya nagiisip ng ganito. He was supposed to hate Minho, right? That's how it should be. 

 

"Min, bibili lang ako ng pagkain. May gusto ba kayo?" Sabi nalang niya just to get out of here. He needs to get away from here as soon as possible dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya. 

 

"Tubig nalang siguro, nakakauhaw maglakad eh." sagot naman ni Minho sa kanya. 

 

"Alright." He responds right away at umalis na rin agad, leaving Minho and Changbin alone. Wala naman nagawa si Minho rito at hinayaan nalang din sila. Mukhang ayaw pa rin kasi talagang magpansinan ng asawa at pinsan niya.

 

Minho sighed nang makaupo na sila ni Changbin sa lamesang nahanap nila kanina. 

 

"Bakit mo pa dinala 'yang gagong asawa mo–"

 

"Changbin, marinig ka!"

 

Changbin rolled his eyes. "Totoo naman ah? Kung hindi ko pa nahuli sa bar, hindi mo pa malalaman na nag-uuwi ng babae."

 

Binaba naman ni Minho ang hawak niyang stuff toy sa lamesa at humarap ng mas maayos kay Changbin. "Hindi naman na niya ginagawa madalas."

 

Napa- tsk naman si Changbin sa narinig niya. As if that would make a difference? "Ginagawan mo pa ng palusot eh, the point is, he's cheating."

 

Huminga ng malalim si Minho bago siya nagsalita muli.

 

"Hindi ko nga alam kung nagooverthink lang ba ako sa actions niya pero alam mo napapansin ko hindi na siya nagdadala ng mga babae niya. He seems softer with his voice whenever he's talking to me, lalo na sa actions niya. Hindi ko alam kung nagiging maayos na ba talaga 'yung trato niya sa'kin o gumagaling lang siya ng pagtago sa mga ginagawa niya para hindi ako masaktan." 

 

Changbin looked at him and raised his eyebrows na para bang may gustong sabihin 'to but he kept his mouth shut and let Minho continue. 

 

"Pero kung ganun nga, hindi ko rin naman maintindihan kasi what's the point diba? Ayaw nga niya sa'kin eh bakit pa niya itatago? Ano naman sa kanya kung masaktan ako, hindi ba't masaya nga dapat siya?" 

 

This time, si Changbin naman ang napahinga ng malalim. "Minho, that's not enough para hayaan nalang 'yung nagawa niya noon. Ano naman kung nagbago siya? Sinaktan ka pa rin niya."

 

Nasasaktan si Changbin sa nakikita niya, lalo na kung iba na ang ngiti ni Minho ngayon. Hindi katulad kanina na puno ng saya. Mas mabigat ang ngiti ni Minho ngayon na para bang may iba siyang ipinapahiwatig. 

 

"Is it wrong that I understand it? I mean, he was pushed to marry me out of convenience at ako lang naman ang may gusto non in the first place. Is it wrong that I understand how he just wants to escape for awhile? Maramdaman ang kahit konting kalayaan sa nakaw na sandali?"

 

"Minho, sa papel, asawa mo pa rin siya. Pagtataksil pa rin 'yun." Sagot naman agad ni Changbin sa kanya. 

 

"But he never treated me like one."

 

"Minho–"

 

"And I understand him. I truly do." 

 

Napatahimik silang dalawa sa sinabi ni Minho, they looked at eachother na para bang nagkakaintindihan na sila kahit wala namang salita na lumalabas sa bibig nila.

 

With one smile, they already knew it. 

 

"Do you think it's time?" Changbin asks him. 

 

Minho nodded, he looked down and played with the ring on his finger. "Yeah. Tama ka nga, Bin. It was bound to happen."

 

Kinuha naman ni Changbin ang kamay niya, dahilan para matigil siya sa paglalaro ng singsing niya. He traced his thumb around Minho's knuckles as a sign of reassurance. 

 

"I'll help you with those papers, alright? It's gonna be fine. Magiging okay rin ang lahat." wika nito. 

 

"I hope so." sagot naman ni Minho sa kanya. 

 

Bigla naman nilang naramdaman ang paglamig ng hangin, masyado na atang napatagal ang pag-uusap nila at inabutan na sila ng dilim. They both decided na kitain nalang si Chan sa kung saan man siya bumili ng pagkain para diretso na sila sa rest house nila Minho. Anong oras na rin kasi at baka hinahanap na sila doon. 

 

Nakarating sila sa rest house nila Minho kung kailan tapos na silang magdinner. Nasa garden na ang mga matatanda habang nagvivideoke at inuman. Meron ding leftover foods sa dining table na hindi na pinansin ng mga kakagaling mula sa Enchanted Kingdom dahil busog pa naman sila. Dumiretso na sila sa garden kung saan naabutan nila ang ibang relatives nilang nagkakantahan at nagsasayawan. 

 

"What about Minho and Chan? Hali na kayo! Samahan niyo kami dito." Sumalubong naman sa kanila ang ninang ni Minho, hindi nakatakas sa kanya ang bahagyang pagtawa ni Changbin sa likod na nagdire-diretso na sa loob at humanap ng upuan. 

 

Nagulat naman sina Minho at Chan dito kaya naman hindi sila nakapagsalita agad. Minho didn't knew what to say and Chan doesn't know if Minho wants to dance or not. 

 

"Oo nga, it's been a while since we both saw you two dance!" sabi naman ng isa pang ninang ni Minho na sumasayaw ngayon kasama ang asawa niya. Mukha kasing pang slow dance ang tugtog sa karaoke ngayon. 

 

Minho smiled at them and shook his head. "Ah no, it's okay! Sa susunod nalang po."

 

Kita naman nilang nadismaya ang mga ninang ni Minho dito kung kaya't nagsalita na rin si Chan sa tabi niya. 

 

"Mahiyain talaga 'tong asawa ko. Halika na?" sabi ni Chan sa kanya at hinila na siya papunta sa gitna kung saan sumasayaw ang ibang relatives nila Minho. 

 

"Chan naman." pag-angal ni Minho nang makarating sila dito. 

 

"It's babe for you." Chan corrects him at kinuha na ang kamay nito para ipaglingkis sa likod ng leeg niya. His hand stays on Minho's waist. 

 

"Ha?" Sagot naman ni Minho na hanggang ngayon naguguluhan pa rin sa nangyayari. Parang kanina hawak-hawak niya lang ang stuff toy na nakuha ni Changbin sa claw machine para sa kanya tapos ngayon nagsasayaw na sila ni Chan sa gitna ng garden, sa harap ng mga kamag-anak niya. 

 

Well, they have to naman. They're fooling everyone, right? Except Changbin. But still, they have to put on a show. Lalo na si Chan. Kailangan niyang iparamdam sa lahat na mahal niya si Minho. 

 

Kailangan nilang ipakita na masaya sila sa buhay mag-asawa. Ganun naman talaga diba? Kahit malayo na ito sa katotohanan. 

 

"Ang ganda mo pala 'no?" Nagulat si Minho sa narinig niya. Hindi niya napansin na kanina pa pala nakatingin sa kanya si Chan. 

 

Parang may tinik sa dibdib ni Minho. 

 

"Babe naman." Minho tried to loosen the grip Chan has on his waist at lumayo ng konti para may distansya pa rin naman ang katawan nila bigla kasi niyang naramdaman na masyado nang makalapit ang katawan nila. 

 

"Seryoso ako, Minho. You look beautiful tonight. You're glowing."

 

The old Minho would've loved this. He would've cherished it. And he would've probably taken advantage of it. 

 

But he's not the old Minho anymore. 

 

"Pagod na paa ko, Ch– Babe . Upo na tayo?" He sighed and lowered his head. Tinanggal na rin niya ang kamay niya na nakasandal sa balikat ni Chan. 

 

"Are you sure ayaw mo na magsayaw?" Chan tried to cup his cheeks pero nakalayo siya agad sa hawak nito. 

 

"I think it's okay naman na. Nakita na nila tayo, pwede na 'yun." Minho smiled bitterly at him. 

 

"If you say so." Hinayaan nalang siya ni Chan at umupo na rin.

 

Nahihilo si Minho. He needs a drink. He needs something. A wake up call. Hindi niya alam kung anong kailangan niya but he needs to get away from Chan. Ayaw niya munang makita ‘to, lalo na ngayong naguguluhan siya sa nararamdaman niya. He did not need the usual Chan that would please everybody and act like a husband in front of him, that’s too much for his fragile heart. Even if it’s fake. 

 

Because he knows that Chan knows the way in it. At unti-unti nang sinasara ni Minho ang pintuan niya dito. Ayaw na niyang mabuksan pa ulit ‘to ni Chan. 

 

He finds it. A bottle of Jack Daniel’s. 

 

Hindi rin nagtagal at natapos na rin ang kasiyahan ng lahat. Unti-unti na silang bumabalik sa mga kwarto nila and Minho was left all alone sa garden kung saan mag-isa niyang inuubos ang bote ng alak. Hindi niya alam kung pang-ilan na ba niya 'to but he's sure na lasing na siya. He didn't care though kahit na ilang beses na siyang pinagsabihan ni Changbin bago ito umakyat sa kwarto niya. Wala naman siyang pakielam, he just wants to not feel anything tonight. 

 

"Min, tama na. Akyat na tayo." Nagulat naman siya sa boses mula sa likod niya. Naramdaman niya ang pagpigil nito sa kamay niya na may hawak na ng bote ng alak. He was supposed to drink it but the stupid voice doesn't let him. 

 

He feels as if he's powerless. Sobrang nanghihina ang katawan niya at wala na siyang ganang makipagtalo pa sa boses na 'to even if his body badly wants to. Sino ba kasi 'yang nagmamay-ari ng boses na 'yan para pagsabihan siya? Para pigilan siya na uminom? This is his night! Masyado silang paladesisyon para sa buhay ni Minho. 

 

Magrereklamo na sana siya nang bigla namang siyang kargahin ng nagmamay-ari ng boses na pumigil sa kanyang uminom. He looked up and saw a glimpse of Chan. His eyes tell him that it was Chan but his brain knows better. Alam niyang imahinasyon lang niya 'to at hindi naman talaga siya pipigilan ng asawa niyang uminom. 

 

Chan didn't care, right? Why would he do this? But maybe, his brain was full of Chan kaya kahit sino nalang makita niya eh mukha ni Chan ang nakikita niya. Natawa tuloy siya sa sarili niya. Mukha na naman kasi siyang tanga. 

 

He knew it all along. Uminom siya para kalimutan si Chan at ang nararamdaman niya dito but at the end of the day, bumabalik pa rin siya kay Chan. It always has been like this. He knows himself too well. 

 

Inihiga naman siya ng lalaking may hawak sa kanya kaya naman agad siyang nalunod sa lambot ng kama. Ramdam niya ang pagsuko ng katawan niya dito kasabay ng pagsuko ng mga mata niya sa pagdilat. As much as he wanted to stare at the man who looks like Chan, he couldn't anymore. Masyado na siyang inaantok. Gusto pa sana niyang ienjoy ang moment sa pagpapanggap na Chan cares for him. 

 

"Minho, please, umupo ka muna. Iinom ka muna ng tubig bago ka matulog, ha?" Sabi naman ng lalaki na kaboses pa ni Chan. Mukhang antok na talaga si Minho, nagiilusyon na siya eh. 

 

"No! 'M sleepy…" He murmured at kinuha na ang unan upang yakapin ito para makatulog siya ng maayos. Hindi naman siya hinayaang matulog ng presensya sa gilid niya. 

 

"Sige na, tayo na ikaw diyan." sabi pa nito kaya naman napadilat si Minho sa mga mata niya, doon niya nakitang kamukha talaga ni Chan ang lalaking naghatid sa kanya papunta sa kwarto nila. 

 

Natawa tuloy siya even if he didn't know what's funny about this situation. "Mhm, 'm love Channie, 'm miss Channie."

 

Nagulat siya nang makarinig din siya ng isa pang tawa mula sa lalaki sa harap niya. "I love you too."

 

Fuck, is he dreaming? 

 

"And I miss you too. Even if you're here beside me."

 

Lalo tuloy siyang natakot. Tangina, masyado na ba niyang mahal si Chan para ma-imagine lahat ng 'to? Nananaginip ba talaga siya? He couldn't believe it.

 

Napatayo naman siya dahil dito. 

 

"Very good, you big baby." The presence ruffled his hair at may inabot na pa sa bedside table nila. 

 

"Now, drink this." Hindi niya alam na may baso na pala sa harapan niya, the presence smiled at him as if he's encouraging him to drink. Minho did at naubos din niya ang isang baso ng tubig na bigay ng lalaki. 

 

"Thank you, higa na ikaw?" sabi pa ng lalaki sa harap niya but Minho shook his head no. 

 

"Wanna stay right here for a minute." sabi ni Minho nang medyo mahimasmasan na siya. 

 

The presence hummed in response at umupo sa harap ni Minho. Dito nakita ng mas maayos ni Minho na mukhang si Chan talaga ang nasa harap niya. Mas lalo tuloy siyang natawa sa sarili niya because it just means na he was so inlove kay Chan na kahit sino nalang nakikita niya ang mukha nito even if it really wasn't Chan. 

 

Chan wouldn't do this anyway. He didn't care for Minho this way. Ang alam niya, natutulog ng mahimbing ngayon si Chan sa kung saan mang kwarto na available for him and he's far away from Minho. 

 

Mas lalo tuloy lumakas ang tawa ni Minho lalo na nung pumasok sa isip niya kung may ideya ba si Chan sa kung ilang bote ang naubos niya. Does Chan know he's drunk right now? Does Chan know he's thinking about him right now? Does Chan–

 

"Can I kiss you?" 

 

Napatalon naman si Minho sa kinauupuan niya ng marinig niyang manggaling 'yun mula sa lalaki sa harap niya. 

 

He giggles. "Hm, no. You're not my husband."

 

"Just one?" pagpupumilit pa ng lalaki. Akala niya siguro maloloko niya si Minho pero kahit na lasing 'to aware naman siya sa nangyayari. 

 

"I won't cheat on my husband." sabi naman niya.

 

"I am your husband! Ako si Chan." The man let out a frustrated whine kaya mas lalong natawa si Minho sa kanya. Ang cute niya kasi mainis tapos kamukha pa niya si Chan edi mas lalong naiimagine ni Minho na asawa niya talaga 'yung nasa harap niya. 

 

"I don't believe you." Minho says pero mukhang mapilit talaga ang lalaking nagpapanggap na si Chan. 

 

"Just one kiss?"

 

Minho shook his head. "No."

 

Lumapit sa kanya ang lalaki kaya mas lalong luminaw ang pagtingin niya rito. Damn, he really looks like Chan up close. He looks so good at ambango pa niya. Parehas siguro sila ni Chan ng pabango. 

 

The man cups his cheek and runs his thumb on Minho's skin. "Why won't you believe that it's me? It's the Chan you love."

 

Minho was so close to believing everything the man says but then again, he was not Chan. He really wasn't. Minho could feel it. Yes, he was drunk but it's not enough to fool him. He would never ever think of cheating on Chan. 

 

"The Chan I love wouldn't even dare to say that. The Chan I know wouldn't even think of that. Sa ibang babae? Pwede pa. But to me? No. That's impossible." Minho giggles, letting his head fall back.

 

Everything was so funny to him. He made sure to take a note and remember na ikkwento niya lahat ng nangyari kay Changbin when he's sober and maybe his cousin would have a good laugh out of it too.

 

Sa sobrang tawa niya, hindi niya napansin na nakatingin lang pala ang lalaki sa harap niya kitang-kita niya kung paano siya tignan ng mga mata nito with a guilt he couldn't understand. 

 

Bakit kasi ganito nalang makatingin ang lalaki sa harap niya na para bang ang laki ng kasalanan niya kay Minho eh ngayon pa nga lang sila nagkita? His brown guilty eyes were accompanied by a bitter smile. It's something Minho recognizes quickly, ganyan kasi ang mga ngiti niya kapag iniiwan siya ni Chan mag-isa sa bahay. The kind of smile that doesn't reach your eyes. 

 

The man shook his head and looked down at his hands that were on his lap.

 

"I hurt you that bad, didn't I?" 

 

Minho hummed in response even if he didn't know what the man means by it. Hinayaan nalang niya ito habang pinipilit na ibuka ang mga matang inaantok na. 

 

"Let's take a rest na. It's been a long day." Chan says and guided Minho down on their bed. Inayos niya ang pagkahiga nito at pinalitan ang unan na yakap niya sa squid stuff toy na binigay sa kanya ni Changbin kanina.

 

Humiga siya sa tabi nito and hoped na sana sa susunod na paggising niya, makita na ni Minho na nagbago na siya. 

 

Na natutunan na niyang mahalin 'to. 










It's been a week since that drunk incident happened. Minho swore na he'd never drink again and Changbin didn't find the situation funny. Nagalala lang ito dahil kung kani-kanino daw sumasama si Minho at baka mapahamak pa siya pero malakas ang kutob niyang si Chan naman talaga ang nagalaga kay Minho noong gabing 'yun. 

 

Hinayaan nalang 'to ni Minho. Katulad ng hindi niya masyadong pag-iisip sa mga ginagawa ni Chan sa kanya these past few days. Everything changed kasi after that drunk night, hindi niya alam kung isa na naman ba 'to sa mga ilusyon niya but it seems as if Chan were nicer to him. Inabutan nga agad siya ni Chan ng kape pagkagising niya mula sa gabing 'yun even if Chan doesn't drink coffee. Wala rin naman ang mga relatives niya noong umagang 'yun kaya hindi niya alam kung bakit ginawa 'yun ni Chan but maybe he was just in a good mood. 

 

Katulad ni Minho ngayon. Kaya nga napasobra ang pagluluto niya ng lunch eh. 

 

I'm on my way kay Felix, may ibibigay lang. Madadaanan ko office mo, gusto mo ba ng lunch? 

 

Minho sent a message habang pinapack ang lunch na balak niyang dalhin kay Chan and if his husband says no, edi free lunch para sa kanila ni Felix. 

 

Hindi naman na siya naghintay ng matagal dahil biglang umilaw ang cellphone niya and Minho saw an upcoming call from his husband. 

 

"Hello! Pupunta ka dito?" masiglang tanong ni Chan sa kanya kaya naman napangiti si Minho rito but he wouldn't want to admit it. "Dadaan lang, I cooked something kasi baka gusto mo."

 

"Sure, I would want to see you anyway." At kung napa-atras si Minho sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang sinabi ni Chan as he clutched his beating heart na kanina pa malakas ang kabog then no one has to know.

 

"Uh, sige, see you!" Tarantang wika niya. 

 

"See you, babe! Love you!" May tao lang. Minho kept it in his mind. He knows better than this. Hindi na dapat siya umaasa pa, Chan has always been good at this.

 

Pretending that he loves Minho. 





But maybe he can live in this world for a second? Kahit saglit lang, gusto naman niyang maramdaman na mahal siya ni Chan. This feels so domestic and he loves it. Lalo na ngayon na ipinapakita ni Chan na mahal niya si Minho, even if it's just for a show, kuntento na si Minho doon.

 

"Good afternoon, Sir Minho." bati sa kanya ng babae sa likod ng reception nang makapasok siya sa building ng office nila. 

 

"Uy! Nayeon, long time no see?" Malaki naman ang ngiti ni Minho nang makita niya ang pamilyar na babae. Matagal na rin kasi simula nang huli silang magkita dahil hindi naman nakakapunta si Minho dito. 

 

"Antagal niyo pong hindi bumibisita sa office eh." sagot naman ni Nayeon sa kanya, isang malapit na kaibigan na rin ni Chan. "Nabusy lang! Alam mo naman kailangan ako sa bakery eh."

 

"Namiss ko po kayo rito, Sir. Aakalain siguro ng iba na bagong mukha kayo, hindi nila alam asawa kayo ng may-ari ng building." sabi naman ni Nayeon sa kanya at ibinaling na ang buong atensyon kay Minho. Kanina kasi ay busy siyang magcheck ng mga kung anong papeles. 

 

"Ganun na nga, alam mo naman si Chan hindi masyadong makwento. Gusto niya kasi private lang ang relationship namin." Minho lied. Well, it's a white lie lang naman. Chan did really want a private relationship pero diba? Ano naman kasing makkwento ni Chan if he didn't really want to be with Minho. 

 

Enough of that, hindi tayo magsesenti ngayon! Masaya si Minho na makita ulit si Nayeon. Napansin nga niyang mas naging blooming ito. 

 

"Nga pala, pusturang pustura ka ngayon ha? Anong meron?" pang-aasar niya pa rito and he could see how Nayeon blushes at that. 

 

"Ah, may bisita po kasi si Sir Chan kaya sabi niya mag-ayos daw kami." sagot naman agad sa kanya ni Nayeon. "Mukhang ikaw ata."

 

It's Minho's turn to blush at that. Mukhang totoo nga. Pero naalala niyang magdadala nga pala siya ng lunch para kay Chan at hindi makipagchismisan kay Nayeon.

 

"Mauuna na ako, Nayeon! Usap nalang tayo mamaya." sabi naman niya at kumaway na habang hinahabol ang elevator. 

 

"Sige po, Sir." Nayeon bowed at him at kumaway nalang din. 

 

Buti nalang talaga at naabutan ni Minho ang pagbukas ng elevator. May mga iba siyang kasama who looked at him weirdly. Iniisip siguro nila na bagong mukha si Minho dahil hindi naman kasi talaga siya madalas napupunta sa opisina ni Chan kaya hindi niya masisisi ang iba kung hindi nila alam na asawa siya ni Chan. 

 

Unti-unting lumuluwag ang elevator at sa paglabas ng mga tao, hindi niya mapaliwanag ang kaba na nararamdaman niya. Bigla nalang kasi 'tong nagparamdam, maybe because it's his first time to do this after a long time. Ngayon lang kasi pumayag si Chan na dalhan niya ng pagkain ito. 

 

He was thinking too much. Buti nalang talaga at nagbukas na ang pintuan ng elevator. Agad siyang lumabas at batid niya ang katahimikan ng hallway ng floor ng office ni Chan. Wala masyadong empleyadong naglalakad dito. 

 

Ngayon nalang kasi ulit nakaakyat si Minho dito kaya hindi niya maiwasang hindi mapansin ang maliliit na bagay na ito but he knows na Chan prefers to work in a quiet environment kaya naman understandable na wala masyadong taong naglalakad dito. 

 

It seems like the floor was only for Chan. 

 

Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad niya mula sa elevator dahil katapat lang naman nito ang pintuan ng office ni Chan. Natagpuan agad niya ito at dahil sa excitement na nararamdaman niya, hindi na niya nagawang kumatok pa dito. It's just Chan anyway at nagsabi naman siyang dadalhan niya ito ng pagkain, he's sure his husband wouldn't mind it. 

 

Agad niyang pinihit ang doorknob at nagulat sa tumambad sa kanya. Chan was welcoming another presence with a hug and a big smile. Lumipat ang tingin ni Minho dito, mahaba ang buhok niya at maganda ang hubog ng katawan. 

 

The presence feels too familiar for Minho's liking.

 

"Welcome back!" rinig ni Minho kung gaano kasaya ang boses ni Chan. 

 

That's all Minho needs to hear para matauhan. 

 

Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan, maingat siya sa mga galaw niya para hindi na niya maistorbo kung ano man ang mangyayari sa loob. He tried to be as quiet as possible. No one has to know na nakita niyang sinalubong ni Chan si Ryujin. 

 

Hindi naman nila kailangan malaman na nakita niya ang asawa niyang kasama ang dating nililigawan nito. Ang tunay na minamahal niya. 

 

Mapapalampas pa niya ang mga babaeng dinadala ni Chan noon dahil alam niyang nakukuha lang naman niya 'to sa random bar na napupuntahan niya but this time, hindi na niya kinaya because how could he compete? It was Ryujin we're talking about. 

 

He could never compete with Ryujin kasi siya naman talaga ang mahal ni Chan, diba?

 

Who knows? Maybe hanggang ngayon mahal pa rin niya si Ryujin. Maybe this is his way of reconnecting and going back to the person he truly loves. Hindi naman kasi si Minho 'yun at kahit kailan hindi magiging si Minho 'yun. 

 

Suddenly, naramdaman niyang parang bumabalik na naman siya sa college days nila, noong nililigawan pa lang ni Chan si Ryujin. If he could remember it clearly, something was about to happen sa kanila pero dahil sakim si Minho sa pagmamahal niya, siya ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy 'yun. 

 

Baka nga, sa paguusap nila ngayon matuloy ang naudlot na matamis na 'oo' mula kay Ryujin. And now, hindi na makikielam si Minho. 

 

He'll give Chan the happy ending he wants. 

 

Ah, now he gets it. Kaya pala pusturang pustura ang mga empleyado ni Chan ngayon. Tama nga naman si Nayeon, may bisita siya. 

 

Hindi nga lang si Minho. 

 

Sa panahon na akala niyang nagbago na si Chan, bigla naman siyang papaalalahan na wala naman talagang nagbago. He had his hopes just for a stupid akala. 

 

Akala niya kasi natutunan na siyang mahalin ni Chan. Akala niya unti-unti na ulit siyang pinapapasok nito sa buhay niya. Akala niya Chan would finally see him as his husband and not a person who ruined his freedom. Akala niya lang pala. 

 

Because Chan will always be Chan. And Chan will always break his heart. 

 

And Minho will always be Minho. He would always forgive Chan for breaking his heart.

 

But not this time. 

 

He had enough. Hindi na siya tanga. Tapos na siya sa mga ilusyon niya at pagod na siya sa kung ano mang meron sa kanila ni Chan. Panahon na para itigil ang lahat ng 'to. He needs to wake up from his beautiful nightmare. 

 

Pinunasan niya ang mga luhang tumulo sa pisnge niya at inayos ang nalukot na damit niya. He tightly held on the lunchbox he was holding at agad na dumiretso sa elevator. 

 

At habang papasara ang pintuan ng elevator, he saw a glimpse of Chan's office at sakto naman ang pagbukas ng pintuan nito. He slowly closed his eyes, preventing himself from further hurting his heart at baka kung ano pa ang makita niya. 

 

Sakto namang pagbukas ng mata niya, inagaw agad ng nagniningning na singsing ang atensyon niya. He slowly ran a finger through it and thought to himself that if he only had a chance to go back, he'd probably do everything the right way and only love Chan from afar. 





























Kanina pa paikot-ikot si Chan sa office niya. Paano kasi nagtext si Minho na magdadala daw siya ng lunch sa office nito. Hindi alam ni Chan kung kailan ang huling beses na bumisita si Minho sa office niya kaya naman mas lalo siyang naeexcite dito, he even told everyone na mag-ayos para magmukha silang presentable sa harap ni Minho. 

 

Napaisip tuloy siya kung gugustuhin ni Minho na saluhan siya for lunch, 'yun naman kasi talaga ang gusto niya. Gusto niyang pagsaluhan nila ang luto ng asawa niya. 

 

Sa sobrang excited niya sa pagpunta ni Minho rito, nawala na sa isip niyang may bisita nga pala siya. Nagulat pa nga siya ng pagharap niya, tumambad sa kanya si Ryujin. Ang bagong business partner niya. 

 

Kumatok naman siguro 'to, hindi nga lang napansin ni Chan sa sobrang sabik niyang makita si Minho. 

 

"Welcome back!" bati ni Chan sa kanya, nanggaling pa kasi ito mula sa ibang bansa para lang maasikaso ang plano nila ni Chan for the company. 

 

Natawa naman si Ryujin dito. "Dami mo pa ring energy ah! You're still the Chan I knew since college." 

 

Chan smiled at that because he remembers why he suddenly has this good energy on him. "Nagtext kasi asawa ko, pupunta raw siya dito for lunch. I'm excited na ipakilala siya sa'yo."

 

Ryujin looked at him as if she knew what Chan was talking about. "It was your bestfriend, right? Si Minho?"

 

Chan nods. 

 

Ryujin snapped her finger na para bang everything made sense na. "I knew it! Kaya hindi kita sinagot nung college eh! Alam kong kayong dalawa talaga ang para sa isa't isa."

 

"Nako, ikaw talaga! Business ang pinunta mo dito at hindi ang asawa ko, diba?" Tanong naman ni Chan sa kanya na para bang nang-aasar pa. 

 

Sobrang tagal na noong huling beses na nagkita sila ni Ryujin at masasabi niya talagang wala na siyang nararamdaman para rito. Everything was just platonic as it is. 

 

Because it's Minho he loves now. 

 

"I'm excited to meet him too." Sabi naman ni Ryujin sa kanya. 

 

"Gusto mo bang salabungin natin siya? Sabi niya kasi on the way na daw siya."

 

Tumango naman si Ryujin sa kanya. "That would be great, gusto ko na siya makilala!" 

 

Agad silang lumabas sa office ni Chan at nadismaya naman si Chan dahil saktong kakasarado lang ng elevator sa floor nila, naaninag pa niya ang nakasakay dito. Nakababa ang ulo ng lalaki at parang may tinignan sa sahig ng elevator. Chan figured out na isa siguro sa empleyado niya na ang nakasakay at hindi napansin ang pagbukas ng pinto ng office niya kaya hindi agad napigilan ang pagsara ng pinto ng elevator.

 

Dibale, okay lang naman 'yun even if he was getting impatient na. He really wants to see Minho right now.  Kailangan tuloy nilang maghintay ulit na umakyat ang elevator. Nasa tuktok pa man din sila ng building. 

 

Nagusap nalang din sila ni Ryujin at nakipagcatch up siya kahit papaano sa buhay nito at napagalaman niyang may girlfriend na pala ang dalaga. 

 

Pinakilala niya ito kay Chan habang naglalakad sila sa baba ng building. 

 

Chan waited but Minho never came. 




























Naalimpungatan si Minho nang maramdaman niya ang mainit na katawan sa likod niya. Suddenly, he's aware of the arms around his waist too. 

 

Anong oras na ba? Hindi niya rin alam. He opened his eyes and he was engulfed by his husband's smell na para bang may kakaiba. Mukhang kakagaling lang nito sa office niya. 

 

"Chan?" tanong niya. He was confused. Bakit nalang kasi biglang pumapasok si Chan sa kwarto niya? Nakayakap pa 'to. Did he mistake him for Ryujin? 

 

"I missed you. Sabi mo pupunta ka ng office, hinintay kita. Hindi ka naman pumunta. Wala tuloy akong lunch." Mas lalong humigpit ang hawak ni Chan sa bewang niya.  

 

"Get off me." He coldly says. He won't fall for Chan's trick anymore.

 

"Why? Hindi na nga kita nakita the whole day tapos–"

 

"Get the fuck off me." May galit sa tono niya at alam niyang ramdam 'yun ni Chan. 

 

"W-What's wrong?" Nauutal pa si Chan nang magsalita siya. Ramdam ni Minho na nagulat ito sa tono ng boses niya. 

 

"You smell different. Ambaho ." 

 

"Huh? I used the same perfume–"

 

Minho shook his head. "Nevermind. Get out of my room. Why are you here anyway?"

 

"Sabi ko nga diba? I missed–"

 

"Bullshit! Just get out. Please. Lumayo ka na sa'kin." Hindi na napigilan ni Minho na mapasigaw kay Chan. He's letting his emotions out and he's aware of it. 

 

"Minho?" Nag-aalalang tanong ni Chan sa kanya. It wasn't because Minho was suddenly yelling at him. It wasn't because Minho was mad at him. 

 

It was because Minho was crying in front of him. 

 

"Ayoko na, Chan. Pagod na ako. Tigilan mo na ako." Minho wiped the stupid tear na kumawala sa mga mata niya. 

 

"Kung isa na naman 'to sa pakulo mo, please stop it. I know how much you despise me. Alam ko kung anong ginawa ko. Alam ko kung paano ko sinira buhay mo but please, don't do this to me." Ni hindi siya makatingin kay Chan habang lumalayo ito. 

 

Chan stayed in his position. Halatang gulong gulo pa rin siya sa nangyayari. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito si Minho ngayon. "Do what?" 

 

Minho finally looked at him. His eyes were all red and it's probably because he's been holding back everything. This is only the time he's giving himself the permission to cry. And to let Chan know what he feels like. How stupid everything is. How stupid he is. How careless has he been. And how cruel he was for holding Chan back in loving someone he truly wants. 

 

"Don't act like you care for me when I know that you really don't." Minho took a step back when Chan reached out for him. "It's fine, you don't have to act it out. I'm gonna leave you alone, okay?"

 

Chan looked at him na para bang mas lalo lang siyang naguguluhan dahil hindi niya maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Minho. 

 

"Hindi mo kailangan iparamdam sa'kin 'to. Hindi mo ko kailangan saktan ng ganito." Minho cried even more. 

 

Gustong gustong lumapit ni Chan pero laging lumalayo si Minho. Bawat abante nito ay siyang atras ng asawa niya. He badly wants to cup his cheeks and wipe the tears away. Gusto niyang yakapin si Minho at sabihing magiging okay rin ang lahat. 

 

Pero hindi niya magawa. That's why he stayed in his position at hinayaan nalang muna si Minho. 

 

"What do you mean?" tanong niya. 

 

"Nakita ko kayo ni Ryujin kanina. I didn't mean to but when I opened the door, sumalubong kayo. I left as soon as possible because I didn't want to bother the both of you." 

 

Chan tried to understand what Minho was saying through his sobs.

 

"Naalala ko 'yung gabing sumira sa pagkakaibigan natin, Chan. Naalala ko kung paano kita sinaktan. Naalala ko kung paano ko nagawang ipaglayo kayo ng mahal mo." 

 

Patuloy lang ang pag-iyak ni Minho habang hindi alam ni Chan kung anong dapat sabihin niya so he stayed silent and let Minho continue.

 

"And now that she's back, I think it's time. Hindi naman ako ganun kasama kagaya ng iniisip mo para ipagkait pa sa'yo 'yung pagmamahal na matagal mo nang hinahangad. You don't have to hide everything from me, you know?" 

 

Chan tried to explain himself pero pinatahimik lang siya ni Minho. He badly wants to explain everything. Gusto niyang malaman ni Minho na mali siya ng akala. Hindi niya naiintindihan ang totoong nangyari. Wala naman kasing tinatago si Chan sa kanya. 

 

"Naiintindihan kita, Chan. Mahal kita eh." 

 

No, Minho couldn't understand him. This isn't how it's supposed to be. Minho was just looking at the wrong picture. Kung ano man ang iniisip niya sa nakita niya kanina, mali lahat ng 'yon. Wala naman kasing nararamdaman si Chan para kay Ryujin. 

 

Sa lalim ng iniisip ni Chan, hindi niya napansin na Minho was already sliding a piece of paper sa kamay niya. 

 

"So, this is me trying to make up for the cruel things I did to you." He heard him say, he could also hear how weak Minho's voice was. 

 

"I'm sorry. Hindi mo deserve 'yun. Hindi mo deserve 'yung pagmamahal na binibigay ko because my love for you is selfish. Hindi dapat ganun. Love isn't supposed to be selfish." 

 

Binitawan ni Minho ang hawak niya sa papel at hinayaan niyang tignan ito ng mas maigi ni Chan. 

 

Divorce papers. 

 

"Sign it when you're ready, okay? I'll leave this here too." Minho took his ring off at iniwan sa bedside table nila. 

 

Before Chan could even say anything, nagsalita na agad si Minho. "Inayos ko na rin gamit ko so you don't have to worry about me staying here. You could keep this house or sell it. It doesn't really matter." 

 

Napatingin naman siya sa luggage at ibang bag na nakaayos na sa gilid ng kama ni Minho. Hindi kasi niya ito napansin noong pumasok siya sa kwarto ng asawa niya. 

 

"I also talked to Changbin. Siya na magaasikaso ng papeles natin so you don't have to talk to me." Minho says habang kinukuha ang luggage na punong-puno ng mga gamit niya.

 

That's when it hits Chan. 

 

Minho wants divorce. 

 

He panics. "Minho, teka lang–"

 

But Minho just wouldn't let him speak. "I hope you find your happiness kay Ryujin because even if it's all fake, I had so much fun being your husband but honestly, if I only had a chance to go back, I’d probably do everything the right way and only love you from afar.”

 

It broke Chan's heart because he couldn't do anything but absorb what just happened and watch Minho get out of the door. 

 

And probably his life too.




















It's been a week. 

 

Hindi nga alam ni Minho kung ayaw lang talaga siyang balitaan ni Changbin sa naging desisyon ni Chan o wala lang talagang balita tungkol sa asawa niya. Pero iniisip talaga niyang ayaw lang siyang saktan ni Changbin. He knows na matagal nang pinirmahan ni Chan ang divorce papers nila, hinihintay nalang ni Changbin ang tamang oras para sabihin kay Minho 'yun. 

 

Para bang may mas sasakit pa eh matagal naman nang tanggap ni Minho 'yun. Sabi nga sa kanya ni Changbin noon, it was bound to happen. Mapupunta rin naman ang relasyon nila sa divorce and now that they're here, hindi niya maintindihan kung bakit parang pinapatagal pa ni Changbin ang proseso nito.

 

Either way, whatever happens kailangan niyang mag-move on. Oo, masaya siya para kay Chan pero kailangan niya ring maging masaya para sa sarili niya. 

 

And it's time to heal old wounds. 

 

Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa Jollibee malapit sa eskwelahan nila ni Chan noon. Dito kasi sila madalas kumakain ng breakfast bago sila pumasok at tuluyan na nga nilang naging tambayan.

 

Napangiti naman siya ng makapasok siya. Matagal na rin kasi simula nung huling punta niya rito, ganun pa rin naman at walang pinagbago. Mas dumami lang ata ang estudyanteng kasabay niyang kumain. 

 

Agad siyang umorder at humanap ng upuan, medyo matagal pa nga ang paghahanap niya dahil may karamihan na rin ang kumakain pero buti nalang nakahanap siya ng mauupo sa dulong gilid ng bintana, there wasn't any much space left. Sakto lang siya sa pang-dalawang tao but it's fine, si Minho lang naman ang kakain. 

 

Binaba na niya ang tray na hawak niya at agad na inilagay ang plato sa lamesa. He disposed the tray off at tuluyan na ngang kumain. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapatingin sa tanawin sa labas. Kita mo kasi ang mga nagmamadaling estudyante na papasok na sa entrance ng dating school nila Minho. 

 

Bumabalik tuloy ang memories nila ni Chan at kung paanong mas lalong pinatatag ng lugar na 'to ang samahan nila noon. 

 

Too bad Minho ruined it.

 

But it's okay. It'll be fine, right?

 

Minho nods at himself as if nirereassure niya ang sarili niya na kakayanin niya ang lahat. He completely shrugged the thought of Chan at tuluyan na ngang kumain. 

 

Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain niya ng may biglang tumigil sa harap niya. 

 

"Is this seat taken?" Nagulat naman siya sa isang malalim na boses na nagpatigil sa pagmumuni-muni niya. 

 

Umiling naman siya agad at inoffer ang upuan sa harap niya, masyado na sigurong maraming estudyante kaya pahirapan na maghanap ng upuan. He didn't mind it anyway. 

 

Napatingala naman siya dito ng tuluyan dito. 

 

"Uh, no– What the fuck? "

 

Chan smiled at him. "Goodmorning rin sayo, Minho."

 

Agad siyang umupo sa tapat ni Minho at inilapag na rin ang plato niya. "What a great way to greet your husband." 

 

Nanlaki ang mata ni Minho sa nakikita niya. Lalo na sa narinig niya. He couldn't believe it. "What are you doing here?"

 

"Bakit? Bawal ko na bang saluhan ng almusal ang asawa ko?" Kaswal na sagot naman sa kanya ni Chan as if walang nangyari sa kanila a week ago.

 

Mas lalong nagpintig ang tenga ni Minho sa narinig niya. 

 

"What the fuck are you saying?" Tanong naman nito. He didn't mean to raise his voice pero siguro dahil nabigla siya, it just happened. "Hibang ka ba? Nananaginip na naman ba ako?" 

 

Chan shook his head at lumapit kay Minho. Nag-iwan naman siya ng mabilis na halik sa noo nito. 

 

"No, it's me. It's real. I'm here." sabi pa niya just to prove na totoo ang lahat. Ngumiti pa nga ito na parang nang-aasar kay Minho. 

 

It took a while for everything to register kaya naman medyo nagloading pa si Minho sa ginawa ni Chan sa kanya. "Hoy! Bakit mo ko hinalikan?!"

 

Natawa naman si Chan sa kanya habang sumusubo ng pagkain niya. "Bawal ko na bang halikan asawa ko?"

 

"Stop! Tigilan mo nga kakasabi niyan!" Lalo namang naiirita si Minho sa bawat segundong tumatagal ang pagsasama nila ni Chan.

 

"Alin? Asawa ko?" Chan smiled at him so bright na para bang konti nalang mabubutas na 'yung dimples niya. 

 

Hindi naman siya papayag na asarin lang siya ni Chan ng ganun. 

 

"We're divorced." Minho says with a straight face. 

 

Napa-iling naman si Chan dito. "Uh, the last time I checked, we weren't."

 

"No, we're already divorced. I signed the papers." Sabi naman ulit ni Minho sa kanya as if he was so sure na hiwalay na nga talaga sila ni Chan. 

 

Minho got back to his meal at nagmadali nang ubusin ito para makaalis na siya sa harap ni Chan.

 

"I didn't." 

 

Napatigil naman si Minho sa kinauupuan niya sa narinig niya, he dropped the utensils he was holding on his plate.

 

He looked up at Chan. "What?"

 

"You're never getting away from this marriage."

 

"What do you mean?" Kumunot ang noo ni Minho dahil sa inis, para kasi siyang pinaglalaruan ulit ni Chan. "This is hell to you, right? I'm the demon! I'm the antagonist in your story!"

 

"Then be my demon. Let's dance around hell and make love with the flames." 

 

Minho's heart skipped a beat because of the words he heard. 

 

"Be the antagonist in my story. I don't care. Do whatever you want. As long as I have you. As long as you're here with me. Kung gusto mong maging demonyo sa buhay ko then be it. If you want to be a kontrabida in the story of my life, go on. Sirain mo buhay ko. Wala akong pakielam." Sabi naman ni Chan sa kanya. Ginilid niya ang mga platong nakaharang sa harap nila at tuluyang hinawakan ang kamay ni Minho. 

 

Mukhang wala namang kahit anong sign na gustong magsalita ni Minho kaya nagpatuloy na siya. "Basta gusto ko nandito ka, gusto ko dito ka lang. Mahal kita, Minho. Mahal na mahal kita." 

 

He squeezed Minho's hand pero wala pa ring kahit anong reaksyon mula dito. He still has that same plain face as if he had better things to do than sit in a crowded Jollibee with Chan. 

 

"Balik ka na? Malungkot 'yung bahay, wala ka kasi. Kulang tayo." 

 

That's when everything sinks in for Minho. 

 

Gusto siya ni Chan. Teka, mali. 

 

Mahal siya ni Chan at gusto niyang bumalik ito sa bahay nila. Katulad ng dati. He wants Minho to be his husband again?!

 

"Teka nga, naguguluhan ako sa nangyayari. Ano bang gusto mo sa'kin? Bakit ka pa pumunta dito?" Nakakunot noong tanong ni Minho dito, wala talaga siyang maintindihan sa kung anong pinapahiwatig ni Chan. 

 

"I want you back." Chan says. "I really want you back, Minho. Kung gusto mong magsimula ulit, edi magsimula tayo. Kung gusto mong ligawan kita, I will."

 

Minho tilts his head to the side na para bang naguguluhan pa rin siya sa sinasabi ni Chan. 

 

"I will do everything and anything para bumalik ka sa'kin." Pagpapaulit pa nito habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Minho buti nalang talaga at hindi niya ito tinatanggal which means na Chan could cherish more of it. 

 

Ngunit nakakapagalala pa rin na wala pa ring lumalabas sa bibig ni Minho ngayon, probably because iniintindi pa rin niya ang sinabi ni Chan. 

 

Hindi naman mapigilan ni Chan na magsalita ulit. Kaya naman nang magtama ang mga mata niya, lumabas sa bibig niya ang mga salitang kanina pa niya gusto sabihin. 

 

"Tayo nalang ulit?"

 

Hindi niya maintindihan kung anong emosyon ang nararamdaman ni Minho ngayon kaya mas lalo siyang kinabahan. 

 

Buti nalang talaga at nagsalita ito kaagad. "What about Ryujin? What about the papers?" 

 

Chan expected the question already, hindi niya lang inakalang ito agad ang itatanong ni Minho pero sinagot pa rin naman niya ito ng walang pagaalinlangan. 

 

"Ryujin? She's nothing but my business partner, love. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya bukod don. Whatever you thought of that day, walang katotohanan lahat 'yun. Umuwi siya dito para asikasuhin 'yung business namin at 'yung kasal nila ng girlfriend niya." 

 

Minho looked at him na para bang nasa gitna siya ng pagkagulat at pagdududa. "Walang namamagitan sa amin."

 

"It's you, Minho. It has always been you." Chan reassures him. "Hindi ko alam kung paano napagtanto ni Ryujin 'yun simula college but I guess I was just too dumb to notice it."

 

Hindi naman nagsalita si Minho the whole time kaya Chan took it as a sign na magpatuloy lang. "The papers? Gusto ko na nga sunugin eh. But don't worry, I didn't. Hindi ko siya pinirmahan. Tinago ko lang siya, never to be seen again."

 

"Kaya pala hanggang ngayon wala pa ring balita si Changbin sa'kin, hindi mo pa rin pala pinipirmahan." sagot naman ni Minho sa kanya. 

 

"At wala akong balak." Chan smiled at him at mas lalong lumawak ang ngiti niya nang humigpit ang hawak ni Minho sa kamay niya. 

 

"Let's give this a second chance, please?" He squeezed Minho's hand too.

 

"Alam ko kung gaano ako ka-gago sa'yo pero hayaan mo sana akong bumawi. Let me prove to you that I wasn't that Chan anymore. I won't break your heart anymore." He ran a thumb through Minho's knuckles. "But you, you're that Minho. You're the Minho I love." 

 

Minho looked at him and Chan swears na malalagutan na siya ng hininga. Hindi niya kasi alam kung tatanggapin ba siya ulit ni Minho sa buhay nito. 

 

Tumagal naman ang sandali at hindi na nagsalita si Minho. Alam na ni Chan kung anong ibig sabihin nito kaya naman tinanggal na niya ang hawak niya mula sa kamay ni Minho. 

 

Nirerespeto naman niya ang desisyon nito, he knows he's too late already. What was he thinking anyway?! Alam naman niyang gago siya, of course, Minho would want somebody na magaalaga sa kanya. Hindi katulad ni Chan. Kaya nga niya pinirmahan 'yung papel diba? 

 

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panunubig sa mata niya kung kaya't tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. 

 

It's time to finally let go of Minho. 






























Ngunit napatigil siya nang marinig ang boses nito. 

 

"Gusto mo bang magpakasal ulit?"




































Akala ni Minho pagkagising niya panaginip lang pala ang lahat pero sa pagmulat ng mga mata niya, he's reminded na it wasn't. Isang patunay dito ang paghigpit hawak ni Chan sa bewang niya.

 

Minho smiled at that. 

 

Dahan-dahan niyang tinanggal ang hawak ni Chan sa bewang niya at tumayo na upang makapaghanda ng breakfast para sa kanilang dalawa. 

 

Inuna niya munang asikasuhin ang kape niya para naman makapagluto siya ng maayos at magising ang diwa niya. 

 

Inaantay niya lang kumulo ang tubig ng maramdaman niya ang pagyakap ng asawa niya sa likod niya. 

 

"The bed was too cold without you." Chan murmurs while he buries his head on Minho's shoulder. 

 

"And your stomach's gonna hate me if I don't shove food down your throat right now." Sagot naman ni Minho dito kaya naman natawa nalang si Chan because it's true. 

 

He loosened his hold on Minho's waist nang maramdaman niya 'tong inaabot ang mug niya para sa kape niya. 

 

"Nagtext si Jisung sa'kin, he's offering me 2 tickets sa Japan." Sabi naman nito kaya napaharap si Minho sa kanya. 

 

"Japan? For their anniversary?" 

 

Chan nods. "Mhm."

 

"Eh, may balak si Felix na dalhin siya sa Australia ha?" Naguluhan naman si Minho sa sinasabi ni Chan sa kanya dahil iba ito sa naikwento ng kaibigan niya noon.

 

"Ayun na nga, he was supposed to take Felix there eh kaso bumili na rin daw si Felix ng ticket sa Australia that same week." 

 

Ah, sayang naman. Pero ganun talaga siguro kapag mahal niyo ang isa't isa, you'd want to surprise each other kaya naiintindihan naman 'to ni Minho pero wala, nanaig pa rin ang kagustuhan ni Felix na isama si Jisung sa Australia. Sayang tuloy ang ticket papuntang Japan. 

 

"So, paano 'yan?" Tanong naman ni habang binubuhos ang mainit na tubig sa mug niya. 

 

"Okay ba sa'yo na sa Japan ang honeymoon natin?"

 

Napatigil naman siya sa narinig niya and immediately smiled after it. 

 

It means na tinatanggap na ni Chan ang kagustuhan niyang magpakasal ulit. 

 

Lalo tuloy siyang ginanahang magluto dahil dito, lalo na kung pagharap niya bumungad sa kanya ang dalawang ticket papuntang Japan. Hawak ito ni Chan kasama ang isang maliit na box. 

 

Inasar pa siya ng binata na hindi niya ito ibibigay kung hindi papayag si Minho na sumama sa kanya sa Japan. As if Minho wouldn't. Eh, kahit saan naman basta si Chan ang kasama gugustuhin na rin niyang pumunta. 

 

This was too familiar. 

 

Minho could feel it. He closed his eyes and sighed happily as he took another plate to put on the scrambled eggs he cooked. He turned his back and slowly walked onto the table, taking his time to put the plate down. Two plates on the table, one for him and one for his husband. 

 

From now on, Chan promised that the other plate wouldn't be left untouched. And they would happily spend their breakfast together. 

 

 

Notes:

mahahanap nito ako rito hehe, usap tayo about minchan ^^ Twitter
at kung umabot ka dito, isa lang ang ibig sabihin non. Congrats! nakarating ka na sa dulo nang destinasyon mo, salamat sa pagbabasa at sa suporta. Sana’y nagustuhan mo. Hanggang sa muli. <3