Work Text:
how do people go from friends to lovers?
tanging tanong na lamang ni mingyu sa sarili, habang pinagmamasdan ang view ng city lights.
tanaw na tanaw ng binata ang napakaganda at kumikinang na tanawin na ibinabahagi ng siyudad, ngunit wala pa ring mas kikinang sa kasalukuyang katabi niya sa oras na ‘yun.
wonwoo, his ride or die, partner in crime, other half, his wonwoo, his bestfriend.
kung makaangkin si bakla ng his wonwoo, para bang kaniya nga ito!
mingyu smiled at his random thought, naririnig na naman niya ang masuyang boses ni jeonghan — his kuya — sa utak niya. with the sudden reaction, wonwoo looked at him curiously, tinitignan si mingyu na kasalukuyang ngumingisi habang hawak ang can ng beer sa kamay nito.
“bakit ka ngumingisi dyan?” tanong ni uno na nagpalipat ng tingin ng isa sa katabi, mingyu only grinned widely and replied basta! habang kuryosong ginagawaran pa rin ng tingin ang kaibigan.
“you’re getting weirder and weirder, min” tanging sambit nalang ng nakakatanda habang umiiling ito.
ang weirdong ito ay inlababo na sa’yo, wonwoo! sigaw ng isipan at puso ni mingyu, peste di na talaga siya pinapatahimik ng isip niya! oo na, oo na! in love na nga siya sa kaibigan niya pero di niya maamin-amin dahil sa magbestfriend nga sila — magbestfriend lang sila — walang labis, si wonwoo nalang ang kulang! amputa sumegue na naman.
“pota naman” bulong ni mingyu na akala niya’y di maririnig ng isa, napakunot-noo na naman ang isang binata at tumingin sa nakababata, habang nilagok ang canned beer, na siyang nagpatingin kay mingyu.
nag-abot ang tingin ng dalawa, hindi nagpatinag si mingyu at tinignan ng mabuti si wonwoo, hindi rin naman inalis ng isa ang tingin nito at pinilig pa ang ulo. putangina! ang pogi!
napatawa naman ang mingyu and awkwardly looked away, “pangit mo” sambit nito, na siyang nagpangisi kay wonwoo. ampota, napakapogi talaga.
pero he knows today is the day ika nga.
hindi niya na talaga maitatago pang muli ang nararamdaman sa nakakatanda, baka sa puntong ito, makakagraduate din siya at maitigil na ang pagdedelusyon niya sa buhay.
hindi naman siya katulad ng saint of all katangahan and unrequited love na bff na si st. caridad sonia herrera alyas carson no! well, slight lang!
alam naman niyang he deserves better.
pero si wonwoo pa din talaga ang best (tanga talaga siya).
uunahan na nga niya sana si wonwoo nang bigla itong nagsalita na nagpagitla kay mingyu sa pagmumuni-muni.
“min” biglang tawag ni wonwoo, napatingin naman si mingyu at pinagmasdan ang kabuuang pagmumukha ni wonwoo, ang pogi pogi.
“hmm?”
“si kei ….” pangalan palang parang alam na alam na ni mingyu kung saan ito patungo! basag ang puso at bungo ng ating bidang mingyu! piste, alam naman niyang masasaktan siya, pero, punyeta bilis mo naman Lord, di ba pwedeng time first muna?!
kei, of course he knows that name very well, siya pa nga isa sa mga gateway kung bakit natuluyan na ang pagkabading ni mingyu sa bestfriend nito.
to make the story short, niligawan ng dalawang magbestfriend noon ang kei. well, why wouldn’t they diba? kei was an epitome of beauty and brains! lumalaban siya sa kahit ano, pageant, quiz bee, miski ata sa mga cooking contest sumasali ang gaga, kulang nalang sumali ito sa isang segment ng isang noontime tv show para naman complete package na talaga — kaya di mo naman talaga masisisi kung bakit malakas ang tama ni wonwoo sa babaitang ‘yun at si mingyu (kahit sandali lang talaga ‘yun na hanggang ngayon ay kinikilabutan pa din siya, muntikan pa siya pumatol sa kaflower niya, char!)
to be honest, both wonwoo and mingyu didn’t expect to be the best of friends knowing their history, na magkaribal sila sa isang babae at typical academic rivals na trope, ganun! pero siyempre ang ating bidang bading na si mingyu ay imbes na mas mahulog kay kei na nililigawan niya, ay tuluyan na ngang naligaw at lumuwas pa nga — ayun! saktong sakto pa kay wonwoo. piste talaga! in denial lang talaga siya, kasi hello? sino ba mag-aakala na ang matipuno at malaadonis na mingyu magkakagusto kay wonwoo? si wonwoo na classmate niya since kindergarten, si wonwoo na ‘di naman talaga rival ang kita sakanya (sadyang oa lang talaga ang ating bida), si wonwoo na pogi, si wonwoo na mabait sa lahat (at extra mabait kay mingyu), si wonwoo na malambing (hindi lang paglasing!), si wonwoo na academic achiever, si wonwoo na mabango, si wonwoo na—mahal na mahal niya, magtatatlong taon na. hindi man kasingtaas ng pagmamahal ni st. carson sa minamahal niyang dio, pero same thought pa din naman.
tanga silang dalawa ni mingyu, nahulog sila sa taong dapat kaibigan lang talaga.
enough of that!
napansin nalang ni wonwoo ang mingyu na bumuntong-hininga ng napakalalim — kagaya ng pagmamahal niya kay wonwoo — mingyu can’t help but curse himself, ba’t ba paulit-ulit nalang itong utak niya, pati siya nabbwiset sa sarili niya eh!
“min, are you listening?” pukaw ni wonwoo sa malayo ang tingin at nakatangang si mingyu.
“huh… bakit? ay, ano nga ulit yun?” tanong pabalik ni mingyu, ayan, gyu! hala sige tangahan mo pa! wonwoo only laughed, seeing mingyu’s reaction, halatang sabaw na sabaw ito, and well, he finds it cute.
“well, as i was saying, kei….” wonwoo started off “me and kei went our separate ways.” amputa, mind-blowing! tumirik mata ni mingyu (hindi sa sarap kung hindi sa saya!) siyempre crush mo ba naman at jowa niya magbreak di ka ba masisiyahan? keme! kaso, it hit mingyu.
“gago! halos 3 years mo ‘yun niligawan ah? tas kakaweeksary niyo pa nga lang!” singhal ni mingyu, habang gulat pa din ang pagmumukha nito. at siyempre, updated siya! chinismis kaya ‘yun ni kei sakanya mismo! di niya nga alam anong nahithit ng babaeng yun at bakit siya inuupdate sa latest happenings ng dating magjowa, napakainsensitive! alam naman niyang labs na labs niya ang bestfriend niya.
“well…. i realized a lot of things in that 1 week, though” dito napatigil si mingyu, ampota naman nitong (mahal kong) aports, kung kailan naging jowa, nagkarealizations agad! kung ako yun, di kita gaganyanin. umiling si mingyu sa mga naiisip, eto na naman utak niya, brokenhearted na nga bestfriend niya, ginagago pa niya.
“at ano naman mga reflections at realizations mo aber?” taas kilay na tanong ni mingyu, medyo inis na nga siya kay wonwoo, piste! nagkajowa na nga siya, iniwan naman niya!
“that i’m not the person who i thought i am” ano daw
“gyu…”
“narealize ko na….”
shit! ano ang narealize niya?
baka narealize niya na di na talaga sila compatible ni kei, lecheng babaitang yun!
“i like you.” putangina. GAGO! piste!!!!! di niya inexpect yun!
parang nabingi si mingyu sa narinig, gago huh??!!!
shock was evident on his face, at talaga namang umisa pa ang wonwoo, he raised his hand …. and ,.. AND putangina! nagmalfunction na talaga si mingyu! dee bluetooth device is not working anymore!
wonwoo just laughed and pinched his cheeks, while looking at him endearingly.
putangina talaga!
“gago, wons! wag ka naman magbiro ng ganyan, hindi yan magandang biro ha.. ha … ha…” mingyu said while awkwardly laughing to ease the tension (na siya lang naman nakakaramdam)
“gyu, i’m serious.”
“HUH! paano? how? why? what? when? where? bakit? ano? kailan? saan? state your answer and provide an explanation!” mabilisang sagot ni mingyu, nakuha niya pa talagang magjoke sa lagay na yun ah.
“well… since two years ago” aba pustpa! ang tagal na nun?
“huh….” taka pa din ang pagmumukha ng bidang gandara, tumawang muli ang wonwoo.
“let’s say, i have been really eyeing you since then, pero, two years ago was the turning point, nung tumatakbo ka sa hallway to catch up with me, and right then and there, i just realized damn, i’m in too deep” kalmang sabi ni wonwoo, putangina! ganon!
“putangina!” tanging sambit ni mingyu, kinikilig na siya! mga paru-paro na sa tiyan nag evolve na, pterodactyl na ata tas yung iba phoenix at dragon kasi bumubuga na ng apoy na siya sigurong dahilan bat nag-iinit at sinisilaban siya (sa kilig ah)!
ikaw ba naman macrush-back? este — like back!!!!!
para bang siya ang rpw crush mo na cinommentan mo ng LbDp ang profile picture, expecting na ilalike lang talaga post mo, pero nagheart react pa talaga at nagcomment ng “Done ♥️” WITH HEART EMOJIS ganon!
“pero… wait! if ganun mo na ako katagal narealize na gusto mo ako, bat tumagal pa ng 2 years….?” mingyu asked, biting his lip, medyo naparanoid kasi puta ang tagal ng 2 years?
“well, you know how my family has been strict, and coming out to them would take a lot of courage, so i had to plan everything carefully, so that, once i pursue you, there are no problems na to face, just you and me.” explain naman ni wonwoo na siyang nagpasinghot kay mingyu, peste! naiyak siya dun, wonwoo did a lot of things without him knowing.
“wons” tawag ni mingyu sa nakakatanda, the latter looked at him while smiling. “proud ako sa’yo!” mingyu exclaimed, making wonwoo cup the other’s face at pinahiran ang mga bahid ng luha na nagbabadyang tumulo sa pisngi ng nakababata.
“wons” tawag muli ni mingyu
“hmm?”
“naalala mo ba yung sinabi ni carson kay dio sa ending ng idily?” mingyu asked, wonwoo thought of the ending, medyo kinakabahan na
“yes…?”
“graduate na ako…”
“oh….” wonwoo only said, heaving a heavy sigh, patango-tango.
“pero, wag ka mag-aalala! magmamasters ako para sa’yo, Master of Arts in Loving You.” para namang nabunutan ng tinik si wonwoo sa narinig, of course, mingyu won’t confess without being extra.
“pasalamat ka mahal kita!” ani wonwoo habang ngumingisi at minamasdan ang nakababata
“sige, thank you!”
“i only accept thank you’s in kisses, though” sabi ni wonwoo habang patuloy na ngumingisi, napataas naman ang kilay ni mingyu dahil sa sinabi ng isa, piste! ang landi! isa pa! sigaw pa ng utak nito.
“gawa” sambit ni mingyu
and he did.
how do people go from friends to lovers?
tanong ni wonwoo sa sarili, habang pinagmamasdan ang view.
tinatanaw niya ang katabing napakaganda at kumikinang, ang kaniyang view.
ang tanawing hindi niya pagsasawaang pagmasdan.
mingyu, his ride or die, partner in crime, other half, his mingyu, his boyfriend.
eros21 Fri 02 Feb 2024 12:01PM UTC
Comment Actions