Chapter Text
“Oo, Fidel. Sinasagot na kita,” ani ni Klay noong mag-isa nalang sila ni Fidel sa hardin ni Crisostomo Ibarra. Lumaki ang mga mata ni Fidel at abot tenga na ang kanyang ngiti.
“Se-Seryoso ka ba, Klay?” tanong niya na may halong pag-aalinlangan.
Tumawa si Klay. “Oo nga eh! Wag mo na ko tanongin ulit,” asar niya. Kung aaminin ni Klay, sobrang saya niya ngayon. Tapos na ang away, mabuti na ulit si Maria Clara at Sir Ibarra, at mabuti na din ang buhay niya.
“Salamat, mahal ko,” ani ni Fidel na may luha na sa kanyang mga mata.
“Uy wag ka iiyak!” hinawakan niya ang mga pisngi ng kanyang nobyo.
Nobyo. Si Fidel ay ang aking nobyo.
Napakasarap pakingan noon.
Ningitian siya ni Fidel, “Aking binibini, hindi ito malungkot na luha, masaya sila. masayang masaya ako na ika’y akin. Sa sobrang saya, ako’y napapa-iyak.”
Binuhat ng ginoo ang dalaga at inikot ito sa hangin. Sa mga nakakakita sakanila’y tila ngingiti lamang. Rinig na rinig nina Ibarra at Maria ang tawa ni Klay pero ngumiti na lamang sila sa isa’t-isa, dahil napag-daan din nila yan.
Masaya na si Klay. Kasama na niya ang kasayahan niyang nagngangalang, Fidel.
