Actions

Work Header

Nag-iisang Muli

Chapter 5

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

“Can you…” binasag ni Renjun ang katahimikan ng buong kwarto.

“What?” nagtatakang tanong ni Jeno, tinitingnan ang daliri ng lalaki na nakaturo sa canvas na nasa likod niya.

“Upo ka.” utos ni Renjun. "Gayahin mo yung painting.” 

“At bakit naman?” Napahawak si Jeno sa sariling ulo, hindi pa rin maintindihan ang nangyayari.

“Okay, h'wag ka na lang umupo, tingin ka na lang sa akin."

Wala ng nagawa si Jeno kung hindi ang sumunod sa binata—dahan-dahan niyang inayos ang postura. “Fine, I’m only doing this just because… well, I wanna see what you mean.”

Habang nakapwesto siya ay unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Dagdag pa rito ang mainit na tingin ni Renjun, dahilan para mag-init din ang pisngi niya at mapaiwas ng tingin.

“Eyes.” Sa kabilang banda, ramdam ni Renjun ang kakaibang panginginig sa kanyang dibdib, pero mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang pagmasdan ang mukha ng lalaki.

“Just look at me… exactly like how I painted you.”

Walang bahid ng pagdududa. Sigurado si Renjun na ang binatang ito ang lalaking matagal nang nananahan sa mga panaginip niya.

Kahit na may kaba at nag-aalangan ay ibinalik ni Jeno ang mata sa lalaking nasa harapan. Sinubukan niyang huwag gumalaw ng sobra. Para bang bawat segundo na nakatingin siya sa binata ay nagiging mabigat at magaan nang sabay—nakakalito, nakakapagod, pero masarap sa pakiramdam.

Walang takas sa mata ni Renjun ang bawat detalye, bawat linya sa mukha ni Jeno. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya na para bang bawat paghinga nito ay humahaplos kanyang dibdib—nagbibigay ng init at saya sa kanyang sikmura na hindi niya naramdaman sa loob ng mahabang panahon.

So hindi siya imagination ko lang? Hindi ako nababaliw at minumulto ng kung sinong lalaki sa panaginip ko. 

“Totoo ka nga!”

“Huh? What do you mean na totoo ako?”

“I’m sorry. I'm just— It's just— I never expected to see the person I’ve been drawing for years.”

“Drawing me? For years?”

“Yes.”

“Are you… sure you’ve never seen me before?” tanong ulit ni Jeno, nakataas ang kilay, sinusubukan intindihin ang sinabi ng kausap.

“I really don’t know nga.” tugon ni Renjun, mas malakas na ang boses ngayon.

“I finally found you.”

“My muse.”

Notes:

inaantok na